Chesca's POV
♡♡♡
Kasalukuyan akong kumakain sa dining area namin ng dumating si Nicole.
"Saan ka galing kagabi, sabi ni Ate Anggie hating gabi ka na daw umuwi?" Tanong ko sa kanya.
Umupo siya sa upuan bago nagsalita. "Bored lang kaya gumala lang. Wag ka ng magtanong kung sino ang kasama ko? Ang importante nandito ako ngayon." Sabi niya at sumandok ng kanin at ulam.
"Good Morning." Bungad naman ni Eunice dito, mukhang maganda ng gising ngayon ni girl 'ha.
Siguro masaya siya ngayon dahil iba ang nagluto ng breakfast namin, walang iba kundi si Ate Anggie. Oo! Siya kasi ang naghanda lahat dito.
"Bakit masaya ka ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ba pwede masaya lang ang gising ko." Sagot niya at umupo na rin at sumandok ng pagkain.
Maya-maya pa. "Eunice, may bisita ka." Sambit ni Ate Anggie na kasama si Mr. Manhid na si Ethan.
"Nand'yan ka na pala." Sabi ni Eunice at tumayo ito.
Bakit excited ang lokang 'to? Hindi man lang ginalaw ang pagkain niya.
"Wait! Anong ibig sabihin nito? Eunice, kayo na ba ni Ethan? Parang napapansin ko, kagabi hinatid ka niya, tapos ngayon sinundo? Wala naman kaming nabalitaan na nanliligaw ang mokong na 'yan?!" Tanong ni Nicole na naparoll eye pa.
Nagkatinginan lang ang dalawa bago nagsalita si Eunice. "Kailangan bang manligaw para maging kami? Joke! Sige mauna kami." Sabi ni Eunice at hinatak si Ethan palabas.
Ano ba yun?! Sila na ba? Nakakastress naman.
"Sige. Alis na rin ako. Ate Anggie si Nicole wag mong pababayaan." Sabi ko kay Ate Anggie.
"OA mo naman Chez. Ikaw nga ang may sakit sa atin, okay ka na ba?" Tanong ni Nicole sa akin.
"Wala na akong lagnat." Sagot ko. "Sige, mauna na ako." Sabi ko sa kanila at tuluyan ng lumabas ng condo namin.
Sumakay agad ako ng taxi papuntang Thomas University. Okay naman ang biyahe, hindi naman ako natraffic.
***
Bumaba agad ako ng taxi ng makarating ako sa tapat ng gate, as usual kung ano ang ginagawa ng mga student dito ipinakita ang ID para makapasok.
Habang naglalakad ako sa hallway.
"Chesca." Sambit ng lalaki na palapit sa akin tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ano?!" Tanong ko sa kanya.
"Hatid na kita." Sabi niya at pilit na kinuha ang libro ko pero pinigilan ko ito.
"Wag na Kyler, kaya ko ng pumunta sa classroom ko." Sabi ko sa kanya.
"Babe," Napatingin naman kami sa nagsalita babae. Sino pa ba? Sino ba ang girlfriend ni Kyler na hindi makamove on sa kanya. "Babe. Bakit hindi mo ako hinintay? Tara na....." Sabi ni Liyra sabay pulupot sa kamay ni Kyler.
Napatingin sa akin si Kyler pero iniwasan ko lang siya ng tingin.
"Ahmf! Chesca mauna na kami ni Kyler 'ha." Sabi ni Liyra na mukhang nang-aasar pa.
"Wala naman akong paki-alam kung aalis kayo." Sambit ko sabay talikod sa kanila, bahala sila dun.
Wala naman akong paki-alam kung aalis sila. Bakit naman sila magpapaalam sa akin? E, hindi nga kami close hindi naman ako concern sa kanila.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
