Chapter 62: Unknown Number

777 24 6
                                        


Nicole's POV










Nang naging okay na ang paa ko. Magpasya akong babalik na siguro sa Maynila at mag-stay na lang sa condo kasama ang mga Sissy ko. Nakakabored kasi dito eh. Sobrang bored ko na dito. Kapag dito kasi sa bahay wala akong magawa puro kain lang ang alam ko, at yung alaala ni Vin na lang ang nagpapaalala sa akin dito. Sobrang strong pa rin ang memorize na yun, pero ewan ko ba sobrang nakakainis lang, iiyak at nalulungkot ako kapag naalala siya.

Hooooohhh! Anong buhay naman toh. Sobrang lungkot na nga, wala pang jowa. Ay! Hehehe

"Nicole! Bumaba ka na daw, kakain na." Sambit ni Ate Anggie sa labas ng kwarto ko.

"Sige. Susunod ako." Sagot ko.

"Sige. Bilisan mo ha." Sagot naman ni Ate Anggie sa akin.

Bumangon na ako sa hinigaan ko at nagbihis na ito. Bago bumaba sa dining room.

"Saan ang punta natin?" Bungad na tanong ni Dad sa akin.

"Ahmf! Dad, I decided na babalik sa Maynila at doon na lang ako mag-stay kasama si Eunice at Chesca." Sagot ko.

"But Nicole, isama mo na si Ate Anggie mo para may katulong ka dun." Sambit ni Mom sa akin.

Tiningnan ko si Ate Anggie na nagpapacute pa. Shemayyy! Landi ni Ate Anggie mukhang namimiss si Kuya Crush na si Axel baby ko hah.

"Ahmf! Mom wag na po. Dito na lang si Ate Anggie mukhang kailangan mo siya dito." Sagot ko.

"Ay, Grabe kayo. Hindi niyo na ako love. Ikaw Nicole hindi mo na ba ako loving? I'm your big sistering huh." Sabi ni Ate Anggie na sobrang OA.

Napabuntong hininga na lang ako at umirap.

"By the way, Nicole. Ngayon ka na ba babalik dun? Sinong kasama mo? Yung paa mo ba okay na siya? Hindi ka dapat pumunta ng mag-isa dun, delikado bumiyahe dun. Dapat isama mo si Ate Anggie mo." Sambit ni Dad sa akin na ikinangiti ko. Siguro nanibago lang ako sa tato niya.

"Excuse po Maam at Sir. May bisita po kayo." Sambit ni Yaya Celing na kapapasok lang sa dining room.

"Good day po. Tita, Tito. Hello po Nicole." Sambit ni Drake na ikinalaki ng mata ko.

"Ouh! Ikaw pala yan Drake. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mom kay Drake.

"Ahmf. Gusto ko lang sanang kumustahin si Nicole." Sagot nito.

"Ahhh. Okay. Upo ka kain ka muna." Sambit ni Mom.

"Ahmf! Okay lang po. Tapos na po kasi akong kumain." Sagot ni Drake.

"Okay naman si Nicole, kaya pwede ka ng umalis Drake." Sambit ni Dad na ikinalaki ng mata ko.

"Grabe ka naman Hon. Baka matakot ang bata." Sambit ni Mom kay Dad.

"Okay lang po." Sabi ni Drake.

"Ahmf! By the way Mom, and Dad. Alis na ako. Gusto ko kasing makarating ng maaga dun." Sambit ko.

"Teka lang. Isama mo na si Anggie sa Maynila." Sambit ni Dad sa akin.

"Ahmf! Dad. Hindi na nga. May kasama na naman ako eh." Sabi ko.

"Sino?" Tanong ni Mom.

"Si Drake." Sabi ko. "Diba, sasamahan mo ako sa Maynila? Diba Drake?" Sabi ko kay Drake at ngumiti sa kanya.

Tumango naman ito. "Sige, alis na kami. Bye." Sambit ko sa kanila at hinatak si Drake palabas.

"Nicole. Babalik ka na ba talaga sa Maynila?" Tanong ni Drake sa akin.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon