Chapter 58: Surprise

864 31 14
                                    


Eunice's POV









Kasalukuyan akong nakatunganga sa hapag kainan, at wala akong ganang kumain dito. Eh, 12PM na wala talaga akong natanggap na text at chat galing kay Ethan, sinubukan ko naman tawagan pero naka off ang phone niya eh.

"Oh. Bakit hindi mo pa ginalaw pagkain mo?" Tanong ni Manang sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. "Walang gana eh." Sagot ko lang.

"Hindi pa ba siya nagparamdam sayo?" Tanong ni Manang Marissa sa akin.

"Hindi pa nga Manang eh. Mukhang walang balak." Sambit ko at tiningnan ulit ang phone ko. Pero wala talaga eh. Wala siyang balak.

"Maghintay ka lang, magpaparamdam din yun. Baka nawalan ng signal o kaya busy lang." Sambit naman ni Manang Marissa sa akin.

"Ewan ko po Manang." Sambit ko na lang at napabuntong hininga.

"Natry mo na bang tawagan ang mga kaibigan niya? o si Chesca baka may alam siya." Sabi ni Manang Marissa.

Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip yun? Bakit hindi ginawa kanina pa.

"Sige po Manang punta muna ako sa kwarto ko." Sabi ko at dali-dali akong umakyat, at pilit pa talaga akong pinigilan ni Manang pero wala siyang nagawa dahil this is my life.

Agad kong sinirado ang pinto ng kwarto ko at sinimulan ng tawagan si Chesca. Feeling ko naman break time siya ngayon.

Agad kong pinindot ang phone number ni Chesca at sumagot naman ito.

["Hello, Eunice napatawag ka?"] Bungad na sambit nito.

"Ahmf! Kasama mo ba sina Steven at Kyler ngayon?" Tanong ko.

["Ahmf! Oo. Teka iloudspeaker ko lang."] Sambit ni Chesca sa akin.

["Hello Eunice."] Sambit ni Kyler sa linya na yun.

"Ay, May itatanong lang sana ako sa inyo?" Sambit ko.

["Ano yun?"] Tanong ni Steven.

"May alam ba kayo tungkol kay Ethan? Walang paramdam eh, at sinubukan ko naman siyang tawagan pero naka off ang phone niya." Sabi ko.

["Hindi ba siya nagpaalam sayo?"] Sambit ni Steven na ikinagulat ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang Tanong ko.

["Eh, si Ethan kasi nagpunta na siya sa U.S kanina lang flight nila. Hindi ba siya nagpaalam sayo?"] Sambit ni Kyler naman.

Sa pagkarinig ko sa salitang iyon, parang nanikip ang dibdib ko at nagpatulo mg mata ko. Akala ko ba dito lang siya? Akala ko ba na hindi niya gusto akong iwan? Akala ko ba ako lang ang happiness niya. Bakit!

["Eunice. Nandyan ka pa ba?] Sambit ni Chesca.

"Ahmf! Oo. Salamat!" Sabi ko sabay baba sa tawag ko.

"WAAAAAAAAAAAAAAH!" Sigaw ko sa sakit.

Bakit niya ako ginaganito? Bakit niya ako niloko? Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi siya nagpaalam? Mahal niya ba talaga ako? Bakit siya ganun. Wala siya pinagkaiba kay Dexter. Akala ko pa naman na hindi siya gagaya sa Dexter na yun.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon