Eunice's POV♡♡♡
One week na pala ang nakalipas. Isang linggo na ang nakalipas simula ng hinatid namin si Ethan sa huling hantungan.
Tapos, almost 3 weeks na rin pala na hindi ko na siya kasama, at nakita ang mukha niya.
Hirap mag-adjust e, lalo na't alam mo na siya ang nagpapasaya at magpapalakas ng loob mo, tapos mawawala na lang siya bigla.
Miss ko na si Ethan ko. Gabi gabi nga akong umiiyak e. Gabi gabi akong umiiyak habang hawak ang camera na dati pinahiram niya lang sa akin, pero ngayon binigay na niya sa akin.
Nakakamiss lang ang mga ngiti niya, yung tawa niya, yung mga banat niya, basta lahat namimiss ko na.
Hooh! Ang hirap tanggapin pero kailangan na talagang tanggapin. Pero, ngayon mukhang okay na naman ako, kaya ko na naman makipagsabayan as mga kaibigan ko kaya lang nakakapanibago dahil walang Ethan na tumatabi sa akin.
*Knock*
*Knock*
Nagtungo ako sa pinto ng kwarto ko dito sa condo ng may kumatok nito.
"Ready ka na ba sa pagbabalik mo sa school?" Bungad na sambit ni Chesca sa akin na ikinatango ko.
Oo! Tama kayo. Ito yung pagbabalik ko sa school ngayon. Almost 3 weeks na pamamalagi dito para magpahinga, naging okay naman ako.
"Tara na!" Sambit ni Nicole at hinila pa ako nito.
"Wait lang! Yung bag ko." Sambit ko nito sa kanya.
"Ay, sorry." Sambit ni Nicole bago ako binitawan.
Kinuha ko ang bag ko sa mini table ko at nandito rin ang DSLR Camera na bigay ni Ethan. Napangiti na lang ako nito.
Dadalhin ko ba ang camerang ito? Sige na nga. Dadalhin ko na, mamimiss ko kasi to e. Para na rin maramdaman ko palagi si Ethan sa buhay ko. Sinabit ko na sa leeg ang camera na ito bago lumabas ng kwarto.
"Let's go." Sambit ko sa dalawa at ngumiti sa kanila.
"Dala mo yan?" Sambit ni Nicole sabay turo sa camera na nakasabit sa leeg.
"Bakit naman hindi. Akin naman to e. Si Ethan ang nagbigay nito. Para na rin hindi ko maramdaman na mag-isa ako. Para na rin may kasama ako." Sambit ko sa kanila na nararamdaman ko na naman na luluha na naman.
"Oh sige. Basta wag ka ng umiyak." Sambit ni Nicole na ikinairap ko na lang.
"Tara na nga." Sambit naman ni Chesca.
Siguro, thankful lang ako sa kanila. Dahil nandito sila palagi sa akin, sila ang nandito para mapasaya ako. Hindi man nawala ang sakit dulot ng pagkawala kay Ethan, napawi naman ang lungkot kapag ang mga Sissy ko na kaharap ko.
Pero sa totoo lang pinagplanuhan nila ako e. Mamaya ipapaliwanag ko.
Sumakay na kami ng taxi papuntang Thomas University.
Kung nagtaka kayo kung bakit magkasama kami ngayon papuntang University. Nagtaka rin ako. Well, ganito kasi yun. Alam ko ang pakay ng mga ito. Alam ko ang mga pakay ng mga kaibigan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/150331116-288-k198525.jpg)
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...