Eunice's POVKasalukuyan kaming nandito sa Cafeteria. Lunchtime na kasi ngayon kaya for the first time in this school days namin ngayon nagsama kami dito sa kainan kaming anim.
Mukhang inggit nga ang ibang stupidents dito dahil panay tingin sa amin syaka may napairap irap pa. Ano bang mali? Wala naman kaming ginawang masama, kusang maganda lang talaga kami kaya kami napapansin ng mga mokong na kinababaliwan nila.
"Ethan." Napatingin kami na bagong dating na si Max kasama ang alipores niya.
"Bakit? Anong ginawa mo dito?" Tanong ni Ethan na nasa tabi ko na nakatayo na ngayon.
"Max, pwede ba? Wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo. Wala na kayong pwesto kung kakain kayo dito!" Taas kilay na sambit ni Nicole kay Max.
"Nicole. Diba sinabi ko naman sayo diba? Wag kang masyadong close, baka mahalata nila na inggit ka sa akin." Sabi naman ni Max.
"Max! Pwede ba? Kung wala kang gagawing matino, umalis ka na lang." Sambit ni Steven na ikinairap ni Max.
"Don't worry hindi ako mangugulo sa inyo. Hindi naman ako eskandalosa na katulad ng isa dyan." Sambit ni Max sabay irap kay Nicole.
"Ano bang ginawa mo dito?" Tanong ni Kyler.
"Ahmf! Nagpunta kami dito for Ethan." Sabi ni Max. "Si Maya kasi nagtext sa akin na sabihin ko daw sayo na wag ka daw mawawala sa Welcome Party niya." Sabi niya kay Ethan. Napabuntong hininga na lang ako. "Diba pupunta ka naman siguro Ethan diba? Alam ko naman hindi mo matitiis ang first love na si Maya." Sambit ni Max. Hinawakan ni Ethan ang kamay ko kaya tiningnan ko siya at nginitian lang ng pilit.
"Ethan? Pupunta ka diba?" Tanong ulit ni Max.
"Pwede ba?! Umalis ka na lang bruha ka! Nakakabwisit ka na!" Sigaw ni Nicole. "Paulit-ulit na lang ang sinasabi mo!" Dugtong ni Nicole sa inis.
"Nicole. Please shut up! Hindi naman ikaw ang pinunta namin dito." Sambit naman ng alipores ni Max na may pabangs pa si Loka.
"Oo nga Nicole. Please calm down lang." Sambit naman ng isa.
"Pwede ba umalis na kayo?!" Sambit naman ni Chesca na mukhang inis na rin.
"Hindi kami aalis dito kung-- MYGOSH!" Sambit ni Max ng tapunan siya ni Nicole ng Milktea.
"AALIS KAYO O HINDI!" Sigaw ni Nicole ulit. Pero natakot naman ang loka, lumayas ang tao. Tinaasan ni Nicole ang kilay sa mga chismosang stupidents. "Tapos na ang live show!" Sambit ni Nicole sa inis sabay upo.
Napaupo na lang din ako. Nakakastress na nga nakakabwisit pa.
"Anong plano niyo?" Tanong ni Steven sa amin ni Etha. Hindi kami sumagot, at wala naman talaga akong ganang sumagot no. "Ikaw ba Ethan? Anong plano mo?" Tanong ulit ni Steven. Tiningnan ako ng Ethan at ngumiti ito sa akin.
"Ayaw ko. Si Eunice ang importante sa akin ngayon hindi si Maya." Sagot nito habang hinawakan ang kamay ko na naman ulit.
"Pero, diba sabi niya na wag kang mawawala sa Welcome Party niya?" Tanong ko sa kanya
Tumango ito bago sumagot. "Pero, ikaw ang importante ngayon." Sagot nito.
"Okay lang ako. Pumunta ka na lang. Wala naman siguro akong dapat ipag-alala diba?" Sabi ko sa kanya.
"Gusto mo akong papunta dun? Kahit ayaw ko?" Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Oo." Maikling sagot ko.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...