Eunice's POV♡♡♡
8:30 am na kaya nagpasya na akong pumunta sa school. Yes! Alam niyo naman na hindi na ako pumasok sa first subject dahil sa ginawa ni Mr. Natividad sa akin. At dahil 9:00 am ang next subject namin makakaabot pa siguro ako nito.
Sumakay agad ako ng taxi upang makarating ng maaga sa school. After 20 minutes. 20 minutes lang namin binabaktas ang school dahil nga ang bilis magmaneho si Manong driver at syempre hindi rin naman ito traffic.
Agad akong nagbayad at bumaba at nagpatuloy na sa paglalakad. Nabaling ang atensyon ko sa mga students na nagkakarambulan sa campus. Nakabilog sila na pabilog na parang may tinatanaw sa gitna.
"KUNG GUSTO MONG MAPATAWAD KITA SA GINAWA MO?! DILAAN MO ANG SAPATOS KO?!" Familiar na boses na sambit nito, Kiasabay n'un ang tawanan ng mga student.
"Pero-----"
"WALANG PERO, PERO! 'YAN ANG GUSTO MO DIBA? GUSTO MONG MAPATAWAD KA! BAYAD SA PAGTAPON MO NG PAGKAIN SA DAMIT KO!" Galit na sambit nito
Dahil chismosa nga ako, nagmadali akong tumingin kahit alam kung hindi ako masyadong kataasan. Pinilit ko tingnan para matanaw ang mga nangyayari.
Nang matanaw ko na, napataas na lang ang kilay ko at dugo sa galit sa nakita ko. Yes! Mr. Natividad pinapadilaan niya ang paa niya sa isang nerd na babae na ngayon ay nakaluhod.
"BILISAN MO NA! ANG BAGAL BAGAL MO!" Sigaw na galit ni Ethan sa isang nerd, dahil sa galit ko pumunta ako sa harap, na ikinagulat ng mga stupident dito.
"Wala ka na ba talagang paki-alam sa mga nararamdaman ng iba?" Kalmadong sambit ko sa kanya. Napatingin ang nerd sa akin at agad ko siyang tinayo galing sa kakaluhod.
"Nandito ka na naman. May problema ba?!" Tanong niya na may halong gigil. Kahit kalmado lang ang pagkakasabi niya alam kung gigil na siya.
"Diba dapat ikaw ang tinatanong ko ng ganyan? Ano ang problema mo?! Sa pagkakaalam ko kasi walang mali sa amin we all normal! Pero ikaw, para kang may tupak! Walang pakialam sa mga nararamdaman sa iba?! Ganyan ka na ba kaMANHID?!" Tanong ko na may gigil sa kanya.
"WALA KANG PAKI-ALAM KUNG ANO ANG GAGAWIN KO! I'M THE MASTER! AT WALANG MAKAKAPIGIL KUNG ANONG GAGAWIN KO!" Galit na sigaw sa akin.
"YOUR NOT A MASTER?! SIGURO MONSTER! MONSTER SA YABANG! MONSTER SA PANG-AAPI! MONSTER NA MANHID! MONSTER NA WALANG PAKI-ALAM!" Sagot ko sa kanya na ikinagigil pa niya lalo.
"SA TINGIN MO MAAAPEKTUHAN AKO SA MGA SINASABI MO! HOY! EUNICE MADRIGAL! BAGO KA LANG DITO! AT WAG KANG UMASTA NA MAKAKALAMPAS KA SA MGA GAGAWIN KONG KALUKOHAN NA GAGAWIN KO SAYO! KAHIT KAILAN WALANG TAONG LUMABAN SA AKIN NA HINDI NATATALO!" Sabi niya sa akin na pasigaw.
"So you mean na hindi ka sanay matalo? Sa tingin mo? Dapat na ba akong matakot? Sa tingin mo ba papalampasin ko ang ginawa mo?" Tanong ko sa kanila.
"YES! Takot ka na ba? Nanginginig ka na ba?" Tanong niya sa akin na ngumiti na may pinaplano.
"Never akong natakot? Kaya kung ako sayo? Wag ang mga inosenting tao ang pagtripan mo?! Wag ang mga taong walang kalaban laban?! WAG SILA?!" Sabi ko sa kanila na nagigigil na rin.
"So? You mean ba na ikaw na lang? Ikaw na lang ang pagtripan ko?" Tanong niya na ngumiti na nakakaloko.
"Yes! Ayaw mo ba? Kaya don't you dare na ulitin ulit ang ginagawa mo sa kanya o sa ibang nerd. Kung ayaw mong ako ang makakalaban mo?!" Matapang na sambit ko sa kanya.
"Nakakatakot ka naman. Akala mo ba uurungan kita? Wala pa akong pinalampas na kalaban na hindi ko nailalampaso sa talo!" Sabi niya.
"Wala rin akong inaatrasan. Kaya kung ipagtanggol sila sa katulad mong manhid na walang puso at walang paki-alam! Hindi kami pinaaral na pagtripan mo lang! Hindi kami pinalamon na apihin mo lang! Hindi kami nandito para magiging sunod-sunuran mo lang. You are a master but your attitude is like a monster. Hindi ka bagay sambahin! Hindi mo deserve na bigyan ng halaga! Hindi mo deserve na ibigay ang mga sarili nila para maging sunod-sunuran sayo! Pero sa tingin ko matakot ka na! Hindi ka sanay matalo diba? Pwes! I will bring you down!" Sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay bago umalis sa kanila.
Sa tingin niya na hindi ko siya lalabanan nagkakamali siya. Yes! Bago pa ako dito. At hindi ko gusto ang bullying na nangyayari sa school na to.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/150331116-288-k198525.jpg)
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...