Eunice's POV
♡♡♡
Tapos na kaming magdinner at tapos na rin namin inaayos ang mga damit ko sa mga maleta namin. Uuwi na kasi bukas e, uuwi na kami sa pinanggalingan namin.
*Tit* *Tit* *Tit*
Napadampot ako sa phone ko at text pala galing kay Maggie.
From: Sissy Maggie
Hello Sissy. Bumaba na kayo nandito na ako sa baba. Bilisan niyo ihahatid tayo ni Kuya Jacob.
Sambit nito sa text.
"Nasa baba na daw si Maggie. Hali na kayo." Sambit ko sa dalawa.
"Let's go!" Sambit ni Nicole at nauna pang lumabas ng condo at sumunod naman si Chesca, tapos ako.
Hayss. Kung nagtataka kayo kung saan kami pupunta.
Pupunta lang naman kami sa PPBar dahil Friday ngayon at tamang-tama na last day namin ngayon kaya tuloy ang bondings namin ngayon.
Sumakay agad kami ng kotse nina Maggie ng makarating kami sa baba.
"Ang tagal niyo! Excited na akong mapanood ng live yung NewGen Band e." Sambit ni Maggie sa amin na nasa front seat pa.
"Hindi pa yun nagsisimula." Sambit naman ni Nicole. "Tara na po Kuya sa PPBar po kami." Sambit niya kay Kuya Jacob.
Diba sobrang galing lang ni Nicole. Feeling niya sa kanya 'tong kotse at siya ang nagpapasweldo kay Kuya Jacob.
*RINGGGGGGGGGG*
Napatingin naman ako kay Chesca ng magring ang phone at sinagot niya naman Ito ulit.
"Hello Kyler. Ahmf...papunta na kasi kami sa PPBar sumabay na ako kina Maggie... Sumunod ka na lang... Pwede naman yun diba?... Kita na lang tayo sa PPBar... Oo nga... Adik.... Loko... I blank you!" Sambit nito at binaba ang tawag anong nangyari sa babaeng ito mukhang badmood pa siya.
"Bakit ganyan mukha mo Chez?" Tanong ko.
"Wala!" Sagot nito at tinuon ang pansin sa phone niya.
"By the way mga Sissy. Bukas na bukas madaling araw daw kayo ihahatid ni Dad sa probinsya." Sambit ni Maggie sa amin.
"Madaling araw talaga?" Tanong ni Nicole.
"Oo! Sabi niya kasi para hindi masyadong traffic. Syaka sasama ako sa inyo." Sambit pa nito.
"Magbabakasyon ka ba doon?" Tanong ni Chesca.
"Hindi muna." Sagot nito. "Sasama lang ako kay Dad na ihatid kayo." Sambit nito.
"Okay." Sagot namin.
Biglang tumahimik ang paglalakbay namin papunta sa PPBar. Hanggang makarating kami dito.
"Ma'am Maggie. Anong oras ko po kayo susunduin?" Tanong ni Kuya Jacob.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
