Chapter 81: Viral

695 33 19
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Saturday ngayon. At yes, kailangan namin pumunta ng Thomas University ngayon dahil ito ang last day ng SHS Club Festival namin.

At alam niyo naman siguro ang nangyari kahapon diba? Sobrang saya lang, sobrang saya na kaladkarin ang babaeng malanding si Cindy.

At kasalukuyan akong nag-bibihis dahil pagkatapos nito pupunta na ako sa dining.

Yes! Sama sama pa rin kaming kumain kahit may bangayan kami, lalo na sa Kyler na yun. Saktan pa naman si Chesca? Eh, hindi namin palalampasin yun.

By the way, speaking of Chesca. Ewan ko sa babaeng ito kung bakit natutulog pa. Iba rin ang effect sa sakit na dulot mg Kyler na yun eh.

Nang matapos akong magbihis nagpasya akong lumabas ng kwarto at pumunta sa dining area.

At take note, nandito na pala sila.

"Si Chesca?" Tanong ni Eunice sa akin.

"Nasa kwarto tulog mantika eh." Sagot ko.

"Huh? Kailan ba yun naging tulog mantika?" Takang tanong ni Eunice.

"Ngayon lang. Lakas siguro ng tama sa ginawa ng bwis*t na lalaki diyan!" Sambit ko at umirap kay Kyler.

"Puntahan ko nga." Sambit ni Eunice at tumayo ito at nagtungo sa kwarto.

"Wait lang." Sabi ko at umirap sa tatlo.

Sinundan ko si Eunice sa kwarto.

"MYGOSH! ANG TAAS NG LAGNAT MO  CHEZ?" Gulat na sambit ni Eunice.

Kailangan talaga sumigaw?

"Huh?" Tanong ko.

"Nicz! Kumuha ka nga ng bimpo at maligamgam na tubig please." Sambit ni Eunice.

"Anong nangyari?" Tanong ko ulit.

"Ang Taas ng lagnat ni Chesca! Kumuha ka na dali!" Sambit ni Eunice na naiinis na.

Kaya bago pa ako masapak sa lokang yun. Nagmamadali na akong pumunta sa kusina.

At kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Tama ba?

"Anong nangyari?" Tanong ni Kyler sa akin. Hindi ko siya sinagot at inirapan lang ito at nilampasan.

Nagpunta agad ako sa kwarto at ibinigay kay Eunice ang bimpo at maligamgam na tubig.

"Anong nangyari?" Tanong na naman ng tatlong mokong na nasa labas ngayon ng pinto sa kwarto namin.

"Rule #3: Just respect the privacy! Kaya lumayas kayo dito! Kwarto namin to." Pagtataray ko sa tatlo.

"Nicz? Ano bang nangyari?" Tanong ni Steven sa akin.

"Ang taas ng lagnat ni Chesca eh." Sagot ni Eunice habang inasikaso niya si Chesca.

"OPPSSS! DON'T YOU DARE!" Sambit ko kay Kyler na akmang pumasok sa kwarto namin. "Wag mong subukang pumasok kung ayaw mong mabugbog! At uulitin ko?! RULE #2: JUST RESPECT THE PRIVACY! KAYA WAG KANG PUMASOK DITO!" Dugtong ko.

"Nicole? Si Chesca ang pinag-uusapan dito! Kaya TUMIGIL ka muna sa house rule." Inis na sambit ni Kyler.

"Yun nga eh. Si Chesca ang pinag-uusapan?! Kaya wala kang karapatan na pumasok! Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganyan! Remember?! Alis na! UMALIS NA KAYOOOOOO!" Sambit ko sa kanila at sisigawan pa.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon