Chapter 36: Pag-iwas

1.1K 42 11
                                    

Chesca's POV

♡♡♡

LATE na akong nakarating sa school. As I expect naman talaga na malelate ako ngayon dahil galing pa ako ng Hospital para maghatid ng pagkain kay Nicole. And bad news hindi na ako makakapasok sa first subject dahil late na nga ako diba.

Pagpasok ko ng school syempre pinakita ko ang ID ko pinamumukha ko talaga sa Guard na panot dito na. Ako 'to? Ako ang nasa ID na 'to. Ako si Chesca Madrigal.

"Buti naman nakuha mo na ang ID mo?" Tanong nito sa akin.

"Oo nga eh. Baka kasi hindi mo na naman ako papasukin." Sabi ko at lumayas sa harapan niya. Bahala siya diyan, late na nga ako magpapahuli pa ba ako sa second subject!?

Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Kyler at ang loko hindi man lang ako tiningnan.

Oo! Nakasalubong ko talaga siya pero wala man lang siyang reaksyon, hindi man lang niya ako tiningnan at pinansin.

Kaya hindi ko na lang din siya pinansin. E, ginusto niya 'to e, mas mabuti na nga lang to para mas makafocus ako sa study.

Pagpunta ko sa classroom wala na si Maam Dona ang research teacher namin, kaya free na pala silang umalis at lumayas ang mga kaklase ko pero kahit free 'to nagiging busy parin sa research paper nila? Anong neron ba.

"Chesca. Pinupunta ka pala ni Maam Donna sa classroom nila ni Kyler diba magpartners kayo?" Sambit ni Mira sa akin.

"Amhf! Oo. Partners kami sa research paper." Sagot ko. "Bakit daw?" Tanong ko naman.

"Yung research paper niyo daw." Sagot nito. "Puntahan mo na lang si Ma'am Donna." Sabi ni Mira.

Kaya pumunta na lang ako sa classroom nina Kyler, pagpunta ko doon nando'n na nga si Ma'am Donna kaya pumasok na lang ako dahil siya naman talaga ang pakay ko.

"Ma'am, pinatawag mo daw ako?" Sambit ko.

"Oo, Miss Chesca Madrigal. Tapos na ba kayo sa research paper niyo?" Tanong niya.

"Hindi pa nga po Ma'am. Kailan po ba ang last checking for the Chapter 1 to 3?" Tanong ko.

"Dapat ngayon sana e, but you said na hindi pa tapos I will extend na lang siguro tomorrow morning para sa inyong partial research paper." Sambit ni Ma'am Donna.

"Sige po Ma'am. Thank you." Sambit ko naman.

"By the way. Mag-usap nga kayo ni Kyler para mas madali niyo magawa ang research paper niyo. Nasa University court siya ngayon." Sabi ni Ma'am.

"Pero po... Hindi ko na po siya kailangan para makagawa ng research paper." Sabi ko.

"Chesca wag kang selfish. Kailangan ng tulong ni Kyler in terms of academic hindi lang siya dapat makafocus sa mga extra curriculum niya, kaya ako sayo puntahan mo siya ngayon din now na." Sabi nito sa akin.

Kaya no choice ako, nnapabuntong hininga ako na pupunta sa covered court.

Pagpunta ko doon, nakita ko siya na nakasuot na ng Jersey habang hawak ang bola nito.

"Kyler." Sambit ko, tiningnan niya naman ako pero agad din itong umiwas.

Napataas na lang ang kilay ko. Anong problema nito? Siya lang naman mag-isa dito I mean kami lang dalawa ang nandito.

Nilapitan ko siya pero hindi talaga ako pinansin.

"Narito ako para pag-usapan ang Research Paper natin. Please naman Kyler kailangan ko ng tulong mo da---HOY!" Sambit ko ng tinalikuran ako at nagtungo sa gitna ng Court para magshoot.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon