Chapter 116: Payag

769 35 44
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Gaya ng sinabi ko kay Eunice na Sasamahan ko siya na dumalaw kay Ethan.

Pero hindi natuloy e. Dahil nagbago ang isip ko bigla. An0 kasi nagtext si Steven sa akin na pwede ba daw kaming magkita kung saan nakalibing ngayon si Vin.

Kaya sinabi ko kay Eunice na okay lang ba sa kanya na hindi ko siya masasamahan. Sabi niya naman okay lang siya, okay lang sa kanya.

Ewan ko ba. Mukhang nag-alala ako kay Sissy Eunice ko. I'm sure iiyak na naman yun na napakalakas lakas.

Alam ko na miss na miss na niya si Ethan. Ang hirap nga e. Ang sakit pa rin  hanggang ngayon na wala na ang kaibigan namin, tapos dumagdag pa si Mira na yun.

Nakakabwisit nga e. Hindi man lang namin nalaman na kaagad na siya pala ang ahas na tumutuklaw sa amin. Nalinlang niya kaming lahat, naloko niya kaming lahat.

Pero hindi ko alam kung nagsisisi na ba siya sa rebelasyon na yun o nagpanggap lang na nagsisisi with iyak na iyak face pa para magmukhang kaawa-awa.

Bumaba ako ng taxi ng makarating ako sa Memorial park Garden dito. Sa malayo pa lang nakita ko na ang isang lalaking nakaupo sa isang puntod dito.

Hays. Napabuntong hininga muna ako bago naglakad papunta kay Steven.

Alam ko na sobrang awkward ang nangyari dahil may feelings kami sa isa't-isa tapos magkikita na naman kahit may iba ng kapalaran na tinahak niya.

Naglakad na ako papunta sa kanya na para bang nagdadalawang isip na tumuloy pa sa kanya o hindi na.

Ewan ko ba. Mukhang gustong bumalik ang mga paa ko sa dinadaanan ko. Pero, super awkward pa rin e. Magkakabarkada kami pero may feelings kami sa isa't-isa.

Sige sabihin na lang na nagpapanggap kami na okay lang sa amin pero yung totoo sobrang awkward pa rin talaga. Pero ginawa naman namin ang lahat para kay Eunice, alam namin ang feelings ni Eunice ngayon kaya hindi dapat kami ang dadagdag sa sakit ng damdamin niya ngayon.

"Aherm." Sambit ko ng makarating ako sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin bago nagsalita.

"Nandyan ka na pala. Umupo ka muna." Sambit nito na ikinatango ko bago umupo sa grass na ito habang kaharap si Vin.

Umupo naman ako sa tabi niya at tiningnan ang lapeda ni Vin.

Kumusta na kaya si Vin ngayon. Masaya kaya siya na may feelings ako sa kapatid niya?

"Buti naman pumunta ka dito. Akala ko hindi mo ako sisipotin." Sambit nito na nakatingin sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya bag0 nagsalita. "Pupunta naman talaga ako dito, dahil dadalawin ko si Vin." Sagot ko sa kanya.

"Okay." Sab nito at umiwas ng tingin.

"Pero, bakit ka pala nandito tumambay?" Tanong ko sa kanya.

"Ahmf! Namiss ko ang kapatid ko. Matagal ko rin siyang hindi nakita dahil sa kakahanap sayo. Pero babawi naman ako sa kanya ngayon." Sabi niya na ikinabuntong niya.

Napatingin na lang ako sa kanya habang nakatingin ang paningin sa lapeda.

"One month na lang." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko. "One month na lang talaga. Malapit na." Sambit nito sa lapeda.

Anong bang pinagsasabi niya? Anong one month? One month na lang ba before ang vacation. Oo! One month na lang sa semester na ito mag eend na kami.

"Ang alin?" Sambit ko na lang na hindi ko malaman kung bakit lumabas yun sa bibig ko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon