Chapter 88: Exotic

653 26 10
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Lumabas kami ng kwarto nina Chesca at Eunice patungo sa dinning area. Syempre, nakasuot na kami ng uniform at Thursday ngayon kaya duty ng mga boys ngayon.

Pangiti ngiti kaming rumampa sa dining.

"Hi. Good Morning." Bati ko sa kanila sobrang confident talaga.

Yes! Bet ko rin maging beauty queen. Pero wag mo na natin pag-uusapan ang pagiging beauty Queen ko.

Pag-uusapan muna natin ang nakabusangot na mukha ng tatlong ito sa hapag-kainan.

"Bakit ganyan mukha niyo? Ang aga-aga nakabusangot kayo." Sambit ni Eunice at umupo sa pwesto niya.

"Kung iniisip niyo pa rin yung colorful na kotse niyo. Nice kaya! Ngayon ko lang nalaman na may talent rin pala ako sa arts." Sambit ni Chesca at bago umupo sa pwesto.

"Talaga ba? Magaling ka sa art?" Sabi ni Kyler kay Chesca.

"Yes! Nagawa ko nga na kulayan ang kotse mo." Sabi ni Chesca.

"Kung nagawa mo yun." Sabi ni Kyler. "Pwede na ba tayong gumawa ng baby?" Dugtong ni Kyler na ikinagalit ni Chesca.

"BWIS*T KA! ANG BASTOS MO! GUSTO MONG ISAKSAK KO SAYO TO!" Sigaw ni Chesca habang hawak ang tinidor.

Pero hindi man lang natitinag sa takot si Kyler tinawanan niya lang si Chesca eh.

"Tama na yan." Sambit ni Ethan sa dalawa.

"Kain na kayo." Sambit ni Steven na nakacross arm pa na nakatingin sa amin.

"Bakit hindi ba kayo kakain?" Tanong ko sa tatlo.

"Hindi na. Nabubusog na kasi kami na kapag nakikita kayong busog." Sabi ni Ethan na ikinakunot ng mga noo namin.

"Kailan pa kayo tumatanggi sa grasya?" Tanong ni Eunice.

"Ngayon lang. Gusto ko kasi namin kayong busogin sa pagmamahal kaya kainin niyo na ang niluto namin." Sambit ni Kyler at ngumiti pa.

Wait? Anong plano ng mga ito sa amin?

At syaka kailan pa sila nakaisip na takpan ang niluto nilang ulam ng tissue.

Yes! Tama kayo. Tinakpan nila ng tissue ang ulam na niluto nila.

"Buksan niyo na." Sambit ng tatlo at nakacross arm pa silang tatlo.

"Wait? Makaasta kayo parang Boss lang namin ha? Remember Thursday ngayon, duty niyo! Hindi duty namin!" Sabi ko sa kanila.

"Kaya nga. Nilutuan namin kayo ng breakfast. Wag niyong sabihin na gusto niyo pang subuan namin kayo para masatisfied naman kayo." Sabi ni Steven sa amin na ikinairap na lang namin.

"Buksan niyo na." Sambit ni Kyler ulit.

Kaya nagkatinginan kaming tatlo bago inalis na takip na tissue.

"SURPRISE!"

"SURPRISE!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon