Eunice's POV♡♡♡
GAYA ng nakagawian, pumasok ako sa school na mag-isa dahil nga si Chesca most punctual 'yon seryoso sa pag-aaral. Si Nicole naman best in late yon palagi, mas pinagtuonan pa kasi niya ng pansin ang mukha niya kaysa sa pag-aaral.
At ako naman? Ito naglalakad sa campus papunta sa SHS Building namin.
Pagdating ko sa SHS Building nakita ko ang classroom namin na sirado ang pinto. So, it means ang aga ko pala pumasok, dahan-dahan kung binuksan ang pinto at----------
*PLOK*PLOK*PLOK*
*PLOK*PLOK*PLOK*
"WAHHHHH!!"
*PLOK*PLOK*PLOK*
Mga tunog ng mga itlog na dumadapo sa katawan ko. Yes! Binabato nila ako ng itlog kasabay din ang mga tawanan ng mga kaklase ko.
Feeling ko awang-awa ako sa sarili ko. Feeling ko talunan ako. Feeling ko wala akong paki-alam sa ginagawa nila sa akin. Feeling ko dinadown nila ako kahit hindi pa nila ako kilala.
Napahinto sila sa ginagawa.
"Tapos na kayo?" tanong ko sa kanila habang pinunasan ang mga tirang-tirang basang itlog sa katawan ko.
"I SAID TAPOS NA BA KAYO?!" tanong ko na galit na galit sa kanila.
Hindi sila sumagot kaya tinaasan ko lang sila ng kilay.
Ilang saglit pa....
"Tapos na." sagot ng isang lalaking nagtatago galing.
Guess who?
"I expect na ikaw talaga ang gumawa sa akin nito Mr. Ethan Natividad slash Mr. Manhid." sabi ko sa kanya.
"You expect? So dapat ba akong magpasalamat sayo?" tanong niya at ngumiti.
"Hmmm... no! At hindi ko naman sinabi kailangan mong magpasalamat." sabi ko na tinaasan sila ng kilay.
"Hahaha!" tumawa siya bago nagsalita. "Mas maganda ka kapag ganyan ang itsura." sabi nito at tumawa na ulit sinabayan na rin ng mga kaklase ko.
"Thank you! So nainlove ka rin," sabi ko na inakit siya. "Napansin mo rin ang kagandahan ko," sabi ko na unti-unting lumalapit sa kanya. "Hindi mo naman sinabi na na love at first sight ka pala sa akin," sabi ko tuloy ang pang-aakit at alam kung nanigas na siya sa kinatatayuan niya. "Ethan! Sobrang hot mo, sobrang pogi mo," tuloy na pang-aakit ko sa kanya. "Ethan, madali naman akong kausap. Kung gusto mo ako? Hinding-hindi kita lalayuan kusa pa kitang lalapitan," sabi ko at hinawakan ang leeg niya at nilapitan ang tenga niya at bumulong. "Good luck, 'cause I will break your eggs." Sabi ko at sabay------
"OUCH!! BWISIT KA!" sigaw niya sa sakit habang napatalon-talon pa ito.
Hehe. Tinuhod ko lang naman ang iniingatan niya.
Nagulat naman ang mga kaklase ko sa ginawa ko.
"SO! GUSTO NIYO BANG GANYAN DIN ANG IBIBIGAY KO SA INYO?" tanong ko. "YES! BAGO PA LANG AKO DITO AT HINDI NIYO PA AKO KILALA! SO KUNG AYAW NIYONG MATULAD SA HARI NA SINASAMBA NIYO! LEAVE ME! WAG AKO! WAG KAMING MGA MADRIGAL SISTERS ANG PAGTRIPAN NIYO!" sabi ko sa sabay talikod para umalis.
Pero, bago ako umalis sa classroom, tiningnan ko muna si Mr. Manhid.
"So! Fair fight. Egg Fight! Mukhang baog ka na." sabi ko kay Ethan na nakahawak parin sa private part.
Umalis na ako sa classroom. Uuwi muna ako sa bahay dahil wala akong dalang pamalit ng damit.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/150331116-288-k198525.jpg)
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...