Chapter 45: Ayaw ko na

1K 41 4
                                    


Eunice's POV








Kasalukuyan akong nandito sa kwarto na tinuluyan namin. Kasama ko sina Nicole, Chesca, Ate Anggie at Manang Josie.

Hindi talaga ako mapalagay kung Anong gagawin ko. Paano ba kasi, nasa kwarto pa sina Ethan kasama ang boys. Natatakot ako baka kasi isusumbong ni Kuya Axel sa Mom at Dad. Ayaw ko. Ayaw kong mawala si Ethan.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Rolly, Kyler at Steven.

"Si Ethan?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa kabila pa. Nag-uusap pa sila ni Kuya Axel." Sagot ni Steven.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam anong gagawin ko. Paikot ikot lang kasi akong naglalakad dito.

"Eunice. Pwede bang umupo ka nahihilo na talaga ako sayo." Inis na sambit ni Nicole sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. "Si Ethan kasi eh. Natatakot ako." Sambit ko sa kanila na mangiyak ngiyak na talaga sa kaba.

"Ano bang kinakatakot mo? Yung sinasabi ba ni Dexter na consequence at totoo?" Tanong ni Chesca na ikinatango ko.

"Feeling ko hindi naman mangyayari yun." Sambit naman ni Kyler.

"Sana nga. Baka kasi isumbong na siya sa Dad at Mom niya. Ayaw kong mangyari yun." Sambit ko at umupo sa kama at tumayo na naman.

"Eunice. Naiinis na talaga ako sayo. Sobrang OA mo. Kung papuntahin si Ethan sa U.S? Edi go. But may social media naman diba? Anong silbi ng social media kung hindi gamitin sa pagkonekta." Sabi ni Nicole.

"Nicole. Iba pa rin yun. Naiintindihan ko si Eunice kung ganyan siya kaOA. Ang hirap kaya ang Long Distance relationship. Lalo na't gwapo si Ethan marami talagang makakagusto nun." Sambit ni Steven na ikinairap ni Nicole.

"Okay! Alis mo na ako. Ayaw ko mastress sa inyo." Sambit ni Nicole at lumabas ito.

"Puntahan ko lang sila sa kabila." Sambit ni Manang Josie at tumayo na at lumabas na rin.

"Parang naiistress rin ako sa inyo eh." Sambit naman ni Ate Anggie.

"Sa mukha mong yan stress ka? Hindi naman. Feeling ko depress." Sambit naman ni Kuya Rolly na ikinairap ni Ate Anggie.

"Alis muna ako. Magpapahangin lang ako sa labas." Sambit ni Steven kahit may aircon naman dito.

Napabuntong hininga na lang ako. Final na ba to? Pupunta ako sa labas o hindi?

Bahala na si Batman. Lumabas agad ako ng kwarto at nagtungo sa kabilang kwarto, hindi ito na ilock ng maayos kaya rinig ko ang pinag-usapan nila.

"Kuya naman. Please, wag mo naman gawin yan Kuya. Ayaw ko sa U.S mag-aral gusto ko dito Kuya. Nandito ang kasiyahan ko, nandito ang kaibigan ko, nandito kayo ni Manang, nandito si Eunice." Sambit ni Ethan na nagmamakaawa kay Kuya Axel.

"Diba? Nag-usap ba tayo na kapag gumawa ka pa ng kalukuhan isusumbong na kita kay Mom at Dad! Kaya ito na ang panahon Ethan!" Sambit ni Kuya Axel mukhang galit na ito.

"Manang. Tulungan mo naman ako Manang please. Ayaw kong umalis dito. Ditoang ako, nandito si Eunice. Manang please." Sambit ni Ethan na ikinatakip ng bibig ko. Gusto kong humagulgol sa sakit at awa kay Ethan. Ano bang magagawa ko.

"Hello Mom!" Sambit ni Kuya Axel sa phone na to.

Bago pa masabi ni Kuya Axel ang lahat pumasok na ako at sininyasan na wag sabihin. Umiling-iling ako, at nagmamakaawa.

["Son. Bakit ka napatawag?"] Sambit ng Mom ni Ethan sa phone nito.

Tiningnan ko si Ethan at kita ko sa mata niya ang lungkot. Umiling-iling lang ako kay Kuya Axel, sana makuha niya ang gusto kong sabihin sa kanya.

["Son. May problema ba? Bakit ka napatawag?] Tanong ulit nito sa phone.

"Ahmf! Teka lang Mom, tatawag lang ako ulit." Sambit ni Kuya Axel at binaba ito.

"Kuya Axel, please. Wag niyo pong sabihin sa Mommy at Daddy niyo. Please po. Ayaw kong magkahiwalay kami ni Ethan." Sabi ko na tumutulo ang luha nito.

Napabuntong  hininga na lang si Kuya Axel. "Kuya please. Wag po Kuya. Mahal mo naman siguro si Ethan diba? Pagbigyan niyo siya Kuya, nandito ang kaligayahan niya wala sa US. Please." Sabi ko at lumuhod pa ito. "Kuya, please. Wag mong ilayo si Ethan sa akin." Sabi ko at tiningnan siya sa mata.

"Tumayo ka na diyan." Sambit ni Kuya Axel at napabuntong hininga na naman. "Hindi ko na sasabihin, but make sure na hindi na talaga siya gagawa ng gulo, o kaya mananakit ng kapwa." Sambit ni Kuya Axel na ikinatango ko.

"Opo Kuya. Wag po kayong mag-alala ako bahala sa kanya. Itutuwid ko ang buhay niya." Sambit ko sa kanya. Tiningnan ko si Ethan na nakangiti na ito sa akin.

"Axel. Siguro naman hindi nila ginusto ang makipagsuntukan baka pinoprotektahan lang nila ang sarili nila. Alangan naman sigurong hahayaan lang nilang aapihin sila. Don't worry, gagabayan ko sila. Kung gagawa man ng gulo ulit sila, o makipagsuntukan man, wag sa Mommy at Daddy mo ididiretso ang pagsusumbong dahil mukhang naprepresure si Ethan eh, alangan naman tatanggalan natin ng kasiyahan si Ethan. Oo, sa US maging maganda ang buhay niya pero matutuwid ba niya kung lungkot naman ang palaging nasa puso niya? At least dito maraming nakagabay sa kanya, maraming nagpapasaya sa kanya, maraming nagmamahal sa kanya. Hindi siya maprepresure, sadyang happy lang dapat ang life niya." Mahabang litanya niya ni Manang Josie kay Kuya Axel.

Nilapitan ko si Ethan at niyakap ito, naramdaman ko rin ang higpit ng yakap niya.

"Thank you baby ko." Sambit nito sa akin. Ngiti lang ang Sagot ko kahit niya ito nakikita.

"Kung nakikita mo lang kung gaano kasaya si Ethan ngayon. Kung baga sa 100% nasa 99% na ito, ang laki kasi ng pinagbago niya eh, simula ng nakilala niya ang Madrigal Sisters lalo na si Eunice. Nakita ko na ang alaga ko na sobrang gwapo dahil palaging nakangiti." Sambit ni Manang Josie. Tiningnan ko naman si Ethan na nakangiti ito.

"Thank you po Manang." Sambit ni Ethan at niyakap si Manang Josie. "Kuya, Sorry and Thank you." Sambit ni Ethan at niyakap si Kuya Axel.

"Ahmf! Labas muna kami ni Eunice. Promise hindi ako gagawa ng gulo." Sambit ni Ethan sa akin at hinatak ako palabas.

Napabuntong hininga na lang sina Kuya Axel at Manang Josie.

"Saan punta niyo?" Tanong sa amin ni Nicole sa amin na may hawak na beer in can.

"Basta." Sagot ni Ethan at hinatak ako kung saan siya pumunta.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Hanggang makarating kami sa may mga malalaking bato na may iba't-ibang disenyo ito.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Sabay natin titingnan ang sunset." Sambit ni Ethan at ngumiti.

Napaupo na lang ako sa may malaking bato. At umupo na rin siya sa likod ko. Kung baga nasa pagitan ako sa dalawang hita niya habang niyakap ako.

Anong nangyari sa kanya?

"Ayaw ko na." Sambit nito sa akin habang yakap yakap pa rin ako. Napakalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya na mangiyak ngiyak.

"Ayaw mo na?" Sambit ko na para bang dinurog ang puso ko. Tumango lang siya na ikinapatak mg luha ko.












To be continue.....

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon