Chapter 85: Paselosan

821 29 10
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

"Thank you." Sambit ko bago bumaba sa kotse ni Kyler.

Yes! Kakarating lang namin sa Thomas University. Syempre, papasok na kami ngayon. Ayaw ko ng magcucutting classes. Sobrang dehado na kasi ako eh.

"Akin na ang libro mo. Syaka ihahatid na kita." Sambit ni Kyler sa akin.

"Wag na! Kaya ko naman eh. Syaka, hindi mo na ako kailangan ihatid. At remember? Dapat hindi nila malaman na tayo na ulit." Sabi ko.

"Pero ano bang mapapala kong susundin ko ang gusto mo?" Tanong nito na nakangiti.

Ayan na naman. Mukhang bumabalik na naman ang pagkamanyak niya eh.

"May kiss ba ako? May secret date ba tayo? Or gagawa na tayo ng----"

"WALA!" Sambit ko bago pa matapos ang sasabihin ni Kyler na ito.

Yes! Bahala kayo. Masama ba kung ganun ang magiging reaksyon ko? Eh, syempre ganito na kasi ako eh.

At alam ko kayong mga readers, pinagchichismisan niyo ako. Na dapat magbago na ako? Ako pa talaga ang magbago? Sure kayo? Ako talaga ang dapat magbago?

Pero sorry na lang kayo. I'm born to be true not to be perfect. Kaya hindi ko na ipagpilitan ang sarili ko sa hindi ako gusto.

Pero! Syempre. Mabait naman ako. Love ko kayo eh.

"Chesca." Napalingon kami sa boses na yun.

Guess who? Si Miko pala. Si Captain.

"Ay, Hello Miko." Sambit ko kay Miko at ngumiti.

"Hello. Papasok na kayo?" Tanong ni Miko.

"Oo." Sambit namin.

"Sama na ako sa inyo." Sambit nito.

"Ahmf! Hindi na. Kayo na lang. Pupunta pa kasi ako sa library eh. May hihiramin akong libro." Sambit ko.

"Edi, samahan ka na namin." Sambit ni Kyler.

"No. Wag na. Baka malate ka pa. Kaya mauna ka na lang. Kami na lang ni Miko ang pupunta dun." Sambit ko na ikinakunot ng noo ni Kyler.

"Ano? Anong Miko? I mean wala naman akong gagawin eh. At syaka sanay naman akong malate kaya sasama na ako sa iyo. Ako na lang ang sasama sayo." Sambit nito. "At ikaw Miko. Umalis ka na. Pumunta ka na sa class mo." Dugtong ni kay Miko.

"Sorry. Pero pupunta rin kasi ako sa library eh." Sambit ni Miko kay Kyler. "Tara na Chez." Sambit ni Miko at ikinatango ko.

Nagsimula na nga kaming naglakad at kasabay ko si Miko habang si Kyler nasa likuran namin.

"Chez. Ano pala ang hihiramin mong libro?" Tanong ni Miko sa akin.

"Ecyklopedia." Sagot ko.

"Wala ka bang libro na yun?" Tanong nito sa akin.

"Meron naman kaya lang naiwan ko. Iba kasi ang nadala ko eh. Pero, may library naman diba. Para makavisit rin ako minsan at makapili ng ibang books." Sabi ko.

"Okay yan. Para maexplore mo naman ang library dito." Sambit nito.

"Ikaw ba? Anong libro ang hihiramin mo?" Tanong ko sa akin.

"Wala pa akong maisip eh. Pero, maghahanap ako na magagandang libro." Sagot niya.

"Yung mga obra ni Williams Shakespeare mga magagada rin yun eh." Sabi ko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon