Chapter 21: Eunice is Missing!

1.1K 29 2
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

8pm na ng gabi nang nasa kwarto lang ako nagmukmok. I mean nagsusurf pala ako sa internet. Wala kasi akong magawa I mean wala ako sa mood dahil sa mokong na 'yun, pagkagaling namin sa school direstso agad ako sa kwarto. Stress na stress ako sa mga yun.

Habang nagsusurf ako may kumatok sa kwarto ko.

*Knock*

*Knock*

*Knock*

"KAKAIN NA BA?" Tanong ko sa labas.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Chesca.

"Loka. Ano ba ang kakainin natin. E, wala nga si Eunice. Hindi pala siya nagluto." Sambit ni Chesca sa akin na ikinagulat ko.

"What? Oh my Gosh. E, gutom pa naman ako." Sambit ko kay Chesca.

"E, wala nga siya sa kwarto niya. Tiningnan ko." Sambit ni Chesca.

"Dibale, magpapadeliver na lang tayo." Sabi ko at tumatawag sa hotline number sa jollibee.

Tinawagan ko agad ang hotline number na 'yun. Dahil sa totoo lang 8pm na tapos wala pa kaming kakainin.

Ewan ko nga bakit wala si Eunice. Hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta.

After 30 minutes dumating na rin ang pinadeliver ko.

"Bakit ang daming inorder mo?" Tanong sa akin ni Chesca.

"Alam mo naman gutom ako diba?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"E, nagdidiet ka diba?" Sambit naman ni Chesca.

Oo nga naman, pero gutom kasi ako e.

"Basta.... Gutom lang ako, kumain na nga lang tayo." Sambit ko at nagsimula ng kumain. Alam niyo naman diba ano ang especialty. Chicken Joy.

Sinunggaban ko na agad ang pinadeliver ko. At halos 20 minutes din ako nasa hapag-kainan para kumain. Gutom much e, masisisi mo ba ako?


Pagkatapos kung kumain. Pumasok agad ako sa kwarto ko at nagpahinga na.

Nagising na lang ako ng ginising ako ni Chesca.

*****


Chesca's POV

♡♡♡

12 PM na ng hating gabi at heto ako ngayon hindi makatulog dahil wala pa si Eunice, hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang nawala.

Kung aalis naman ang babaeng 'yun, magpapaalam naman yun sa amin ni Nicole, pero nanibago talaga kami.

Nagpasya akong gisingin na lang si Nicole para hanapin si Eunice. Sinubukan na kasi namin tawagan naka off kasi ang phone niya. Nag-aalala na talaga kami dito.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon