Chapter 8: Detention

1.5K 41 3
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

7:55 AM na!

Yes, nandito pa lang ako sa condo pero pupunta na rin ako sa school. Alam niyo naman ang dahilan kung bakit ako palaging late, di ba?

"Perfect!" sambit ko sa habang tiningnan ang make-up at OOTD ko.

Yes! Kailangan na maganda ako sa paningin ng mga tao.

Maya-maya pa kinuha ko na ang shoulder bag ko at nagsimula nang pupunta sa school. Pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako ng makita ko si Eunice na basang-basa at amoy itlog ang baho niya.

"Anong nangyari?" tanong ko sa gulat.

"Mahabang kwento. Pumunta ka na ng school baka malate ka pa." sagot lang niya.

Ang layo ng sagot niya sa tanong ko.

Kaya wala akong nagawa kundi nagpatuloy sa paglalakad papunta sa elevator at pumara't sumakay agad ng taxi ng makababa ng condominium.

After 30 minutes...

Nakarating na rin ako sa Thomas University. At gaya ng nakagawian binayaran si Manong Driver at rumampa papasok ng campus. Kahit walang audience na nakatingin okay lang. Naintindihan ko naman dahil alam ko naman na class hour ngayon.

Nasa labas pa lang ako ng classroom. Alam kung nagdidiscuss lang sila.

Pumasok ako back door kung saan ang upuan ko.

"WHY ARE YOU LATE?!" bungad na tanong ni Mr. Chubby tsu-tsu.

Yes! Lalaki kasi ang teacher namin na ang taba.

"Ahmf! Sir.... malayo kasi ang bahay namin." sagot ko.

"Saan ka ba nakatira?!" tanong na tumaas pa ang kilay.

"Sa condo po. M.M Condominium." sagot ko.

"M.M CONDOMINIUM? MALAPIT LANG YON, MS. NICOLE MADRIGAL! ALAM KO YON!" Sabi sa akin.

"Kasi Si-------"

"ANO NA NAMAN! NAPASARAP ANG TULOG MO KAYA KA LATE! NAGLILINIS KA PA NG BAHAY KAYA KA LATE! HINDI KA GINISING! HINDI MO NARINIG ANG ALARM! YAN PA ANG IRARASON MO! FYI! MS. NICOLE MADRIGAL! RESPONSIBILITY NA GAWIN ANG LAHAT  NANG 'YAN! PERO WAG MONG KAKALIMUTAN NA MAY PASOK KA THIS MORNING. ALMOST 1 HOUR KA RIN LATE! I NEED A VALID REASON!" Sigaw niya sa akin lakas makamegaphone grabee.

Hayss.

"Eh! Traffic po Sir." sagot ko.

"TRAFFIC?! AKO BA ANG NILOLOKO MO?! MGA KAKLASE MO NGA MALAYO PA ANG BAHAY NANDITO NGA ON TIME AT HINDI NA TRAFFIC!" singhal nito sa akin.

"Edi. Hindi na lang ako magbibigay ng reason and explanation kung bakit ako late. E, lahat kasi ng sinabi ko kinontra mo e!" irap ko sa kanya dahil sa inis sabay upo sa upuan.

"MS. NICOLE. HINDI KITA PINAYAGAN NA UMUPO! STAND UP! AND GET OUT! HINDI KA MAKAKABALIK DITO IF WALA KANG DALANG DETENTION SLIP GALING DETENTION OFFICE NEXT MEETING NATIN! TANDAAN MO! ATTENDANCE IS MUST KUNG HINDI KA MAKAKAKUHA NG MAAGA NG SLIP EDI MAS LOWER ANG GRADES MO! GET OUT!" sabi nito sa akin. "SO GET OUT!" pag-ulit niya.

Wala na akong nagawa kundi tumayo.

"Yan kasi most punctual palagi." sabi ni Mr. Headset na natatawa pa.

Nakita ko nagpatuloy si Mr. Pat ang Gen. Math namin, kaya nakagawa ako ng kalukohan.

Habang nakatalikod si Mr. Pat dahil may isinolve. Agad kung kinuha ang notebook ni Mr. Headset at ibinato kay Mr. Pat.

"OUCH!" sabi nito nang tamaan siya sa likod.

Tumingin siya na galit ang mukha. At direktang nakitingin sa akin.

"ANONG PROBLEMA MO?! BAKIT MO BINATO SI SIR. PAT NG NOTEBOOK MO?! STEVEN! NAHIHIBANG KA NA BA?!" sigaw ko kay Steven na sinisisi ko siya.

"ANONG AKO!" napatayong sambit ni Steven.

"SINONG NAGBATO SA AKIN NG NOTEBOOK?!" galit na tanong ni Sir. Pat.

"Sir Pat, si Mr. Steven Javier po! Aalis na sana ako nang makita ko si Steven na binato ka niya. Kahit tingnan mo pa ang notebook na 'yan. Hand writing ni Steven at may name pa niya d'yan sa front. At alam mo Sir. Pat habang binabato ka niya nagmumura siya at sinabihan ka niyang mataba. Ang taba taba taba taba taba taba taba---"

"SHOUT UP!" sigaw ni Sir. Pat kaya naputol ang explanation ko.

"MR. STEVEN JAVIER AND MS. NICOLE MADRIGAL! GET OUT OF MY CLASS! WAG KAYONG BABALIK KUNG WALA KAYONG DETENTION SLIPS! GET OUT!" sigaw nito na galit na galit.

Kaya nagmadali akong lumabas ng classroom at alam kung sumunod si Mr. Headset.

Pupunta na lang siguro ako sa canteen. Magpapalamig lang ng ulo. At dahil Tuesday ngayon. Hanggang 9am lang and vacant na kami 9 to 11 AM. Yes! every TTH 1 subject lang ang class namin sa morning.

Sa paglalakad ko may humila sa braso ko. At hinawakan akong mahigpit kaya ako namimililipit sa sakit.

"ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT MO AKO DINAMAY SA MGA KALUKOHAN MO?! KASALANAN KO BANG LATE KA AT HINDI KA MAKAKAPASOK KUNG WALA LANG DETENTION SLIP?!" sabi ni Steven sa akin habang ako namimilit sa sakit.

"ANO BA STEVEN! NASASAKTAN AKO!" sabi ko sa kanya.

Napabitaw siya na parang nagulat.

"HUMANDA KA SA AKIN! GUSTO MO NG LARO? PWES! PAGBIBIGYAN KITA!" banta niya sa akin bago umalis.

Napataas na lang ang kilay ko. I don't know na matatakot ba ako or maging masaya dahil napipikon siya.

Always ready naman ako. Abangan natin kung sino ang mananalo.



To be continued....

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon