Chapter 92: Itak

604 23 5
                                        


Eunice's POV

♡♡♡

One week rin kaming stress sa MidTerm exam namin. Kaya ito kami ngayon, Saturday na saturday bumabiyahe papuntang probinsya namin.

Need din namin magrelax. Need namin makita ulit ang view at ganda ng probinsya namin.

At ito nga. Ito na siguro ang pinaka the best bonding namin na magkakabarkada. Kumpleto kasi kami eh. At syempre sinama na rin namin si Maggie, para naman makita niya ang pinagmulan naming mga Madrigal Sisters.

Isang van lang ang sinakyan namin papuntang probinsya. Kaya ito ang iba tulog, ang iba pamusic music lang, ang iba naman busy sa phone, at ang iba busy na titigan ang boyfriend niyang natutulog pa.

Ang cute ni Ethan eh. Lalo siyang gumagwapo kapag natutulog siya.

"Baka lalo akong matunaw diyan." Napaiwas na lang ako ng tingin ng magsalita siya.

Akala ko tulog si Ethan, nagtulog tulogan lang pala.

Maya-maya pa hinawakan niya ang kamay ko.

"Baby ko." Sambit nito pero hindi ko yun pinansin. "Kiss mo nga ako." Sambit nito na ikinatingin ko sa kanya ng masama.

"Baka gusto mong masuntok! Para tumahimik ka diyan." Sambit ko sa kanya.

"Joke lang po." Sambit nito at ngumiti.

"Mukhang nahawaan ka na kay Kyler ha." Sambit ko sa kanya.

"Wag kang maingay diyan Eunice! Natutulog ang GIRLFRIEND ko." Sambit naman ni Kyler na nasa likuran namin.

Mukhang narinig yata ako ni mokong.

"AYIEEE!" Tili naman ni Maggie na kilig na kilig pa sa katext niya.

"Maggie." Sambit ko na ikinalingon niya.

"Yes?" Sambit nito.

"Sinong katext mo? Mukhang kilig na kilig ka lang ha." Sabi ko sa kanya.

"Ano si secret. Friends ko lang." Sambit nito.

"Anong friends? May friends bang tinitilian?" Tanong naman ni Miko.

"Amhf! My suitor." Sagot nito.

Loka? May nanliligaw na pala sa lokang ito. Hindi man lang sinabi sa amin.

"Sino?" Tanong ko.

"Amhf! Malalaman niyo rin." Sabi nito at tinuon na ang pansin sa phone niya.

Nakakaloka! Sino ba ang Suitor niya? Hays!!

"Bwis*t! Nawala yung signal!" Sambit naman sa pinakadulo na si Dexter.

"Ano ba kasing yung ginagawa mo?!" Tanong na inis ni Mira sa kanya.

"Ito na eh. Nagmomobile legend! Nawala ang signal bigla! Hooh! Mapapatay ko na sana yun!" Inis na inis talaga si loko eh.

"Ikaw naman pala ang dahilan kung bakit sobrang connecting and nawawala rin ang signal ko! Hindi ko na view yung bang photos sa facebook!" Inis na sambit naman ni Mira.

"Ang ingay niyo!" Sambit naman ni Nicole habang tinanggal ang earphone sa tenga niya.

"Alangan naman tumahimik lang tayo! Anong akala mo dito library?" Sambit ni Mira.

"SHHHHHH!" Sambit naman ni Kyler na ikinatigil nilang lahat. "Wag kayong maingay natutulog ang GIRLFRIEND ko." Dugtong na sambit nito sa mahinang boses.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon