Chapter 31: Suitor

1.1K 33 8
                                        


Chesca's POV

♡♡♡

Nandito na ako sa table namin.  Yes, si Eunice pinauna niya kami dito ni Miko, ewan ko nga sa kanya kung saan yun pupunta. Si Miko naman, 'yon pumipila dahil siya na lang daw ang mag-oorder ng pagkain namin.

Feeling ko nga, mukhang ang swerte ko kay Miko. Given na kasi ang kabutihan niya, gentleman niya, plus pogi at cute pa.

Ang pogi talaga ni crush. Hayss.

Maya-maya pa may umupo si tabi ko at napalingon ako, kundi walang iba si Kyler Alfonso the pervert lang naman.

"Nanliligaw ba sayo si Miko?!" Akwardong tanong sa akin.

"E, ano naman kung nanliligaw siya? Single naman siya at single din ako." Sagot ko at hindi siya tiningnan.

"Hindi pwede!" Sabi nito sa akin napataas ang kilay ko na tingnan siya.

"Bakit?! Wala naman sigurong masama kung maging kami diba. Syaka, anong pakialam mo?! Bumalik na nga ang Liyra mo, hindi nga kita ginulo..." Sambit ko sa kanya.

"Diba sinabi ko sayo, kahapon ng nagdate tayo kahit pa bumalik siya sa akin... Wala na siyang lugar sa puso ko dahil nakatatak ka na nito." Sabi naman niya.

"Ako ba ang niloloko mo?!" Taas kilay kung tanong.

"Seryoso." Sabi nito. "Pero sana payagan mo akong manligaw sayo." Sabi niya na nagpatawa sa akin at agad naman akong tumahimik.

"Manligaw ka? Si Kyler Alfonso manliligaw? Sorry ka busted ka na." Sabi ko.

"Please give me a chance.... Payagan mo na akong manligaw sayo para mapatunayan na seryoso ako." Sabi niya na naging seryoso.

"Alam kong may kapalit 'yan. Ayaw ko!" Sambit ko sa kanya.

"Ibibigay ko sayo ang ID mo. Kung papayag ka?" Sabi nito sa akin at ipinakita ang ID ko.

OMG. I need my ID.

Kalimutan na lang ang lahat, wag lang ang ID.

"Okay. Fine." Sagot ko at inagaw agad ang ID ko.

"Hoy! Ikaw!" Tawag ni mokong na 'to sa lalaking may hawak na tray.

"Ikaw, akin na yan inorder mo. Syaka mag-order ka na lang ng iba." Sabi niya at kinuha ang tray ng lalaki.

"Sa tingin mo ba sasagutin kita na pinakita mo sa akin ang pagiging bastos mo sa kapwa mo estudyante?!" Sambit ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Ahmf! Brod, ito na joke lang." Sabi niya at binigay ang tray sa lalaki.

"Sige order lang ako ng pagkain natin ha." Sabi niya at pumila.

☆☆☆

Maya-maya pa dumating na si Mi-- Kyler?

Hayss.

"Sumingit ka na naman?!" Taas kilay na tanong ko.

"Hindi ha, pinasingit ako. Alam mo naman gwapo ang suitor mo." Sabi nito at kumindat sa akin.

Ayan na naman siya sa sakit niya.

Inilapag na niya ang inorder niya maya-maya pa dumating na si Miko.

"Chez." Sambit nito at ngumiti na lang ito.

"Diyan ka na lang. Dito na ako sa tabi ni Chesca." Sambit ni Kyler kay Miko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon