Chapter 33: Celebration

1K 33 2
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Nagpaalam ako sa mga Sissy ko na aalis na ako pupunta sa Restorbar na malapit sa University. Diba nga may celebration kami.

Nagdalawang isip nga ako kung pupunta ako, pero ang dalawang loka super supportive. Go lang daw ako. Tutal, gusto ko naman bumuo ng memories kasama ang mga stupidents ng T.U.

Kaya si Chesca ang nagbantay ngayon kay Nicol. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil nand'un naman si Steven. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa.

Sumakay na ako taxi at after 30 minutes na karating na rin ako.

Pero paano kami makapasok dito diba bawal ang mga minor de edad dito?

Pagpasok na nga lang... Wala pa lang check point------ I mean bantay kaya pumasok na lang ako, nagpunta ako sa may bartender at nagtanong.

"Kuya, nasaan po nakatable sina Mr. Natividad?" Tanong ko.

"Kasama ka nila? Nasa VIP Room po sila." Sambit nito.

Sasagot na sana ako.

"Isang hard na drink po Kuya." Sambit ng lalaki na kararating lang.

Napatingin ako sa kanya at gan'un na lang ang gulat ko ng makita siya ulit.

"Eunice?" Gulat na sambit niya at agad akong tumalikod sa kaya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ano ba?!" Sabi ko at kinuha ang kamay ko at kinompronta siya.

"Eunice, kumusta ka na? Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi nito sa akin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Dexter. Wala na tayo!" Sabi ko at tumalikod.

Bakit bumalik ang lahat sa akin dati? 'Yung sakit at galit ko?

"Eunice Please." Sambit nito at hinawakan na naman ang kamay ko napabuntong hininga na lang ako dahil ayaw kung sumabog sa galit.

"Brod, sorry. Mukhang ayaw niya." Sambit ng lalaking kararating lang at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Ethan. Ikaw pala 'yan." Sambit ni Dexter.

"Ako nga.... Pero mauna na kami sayo." Sabi ni Ethan at inakbayan ako bago kami pumunta sa VIP Room.

Ang daming buntong hininga ang ginagawa ko bago makarating kami ng VIP Room.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot kaya pumasok na lang siya sa VIP Room at sumunod na rin akong pumasok sa room.

Hayss. Nandito na pala sila, nakita ko ang mga kaklase ko na kompleto na pala sila at may pavideoke pa. At take note nakalapag sa table ang bottled in can na beer, syaka may wine pa.

"Eunice, umupo ka na." Sambit ni Mr. Roque na mukhang may tama na.

Umupo ako sa tabi ni Mr. Natividad kasi naman 'yun lang ang vacant e.

Ano naman sa inyo?

Wala akong ibang ginagawa sa upuan ko kundi nagmukmok lang.

Wala e, walang magawa.

"Eunice, uminom ka." Sabi ni Mr. Lim.

"Sige na Eunice. Let's celebrate at kalimutan ang lahat ng mga sakit at galit." Sabi ni Ms. Macaspac na sumayaw pa.

Wow. May tama na talaga ang mga ito.

Kinuha ko ang wine pero pinigilan ako ng lalaking 'to.

"Wag yan matapang 'yan." Sambit nito sa akin.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon