Chapter 79: Broken

735 32 44
                                        


Eunice's POV

♡♡♡

Bumaba ako agad sa kotse ni Ethan ng makarating kami dito sa Thomas University.

"Baby ko. Saan ka tatambay ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Baka sa Canteen na siguro." Sagot ko nito.

"Samahan na kita." Sambit nito at ngumiti.

"Wag na. Baka kakailanganin ka ni Maya." Sambit ko sa kanya.

"Hindi naman siguro. Kung kakailanganin niya ako tatawagan niya naman siguro ako." Sabi nito sa akin.

"Okay." Sagot ko.

Naglakad na kami papuntang Entrace Gate at nakasalubong namin ang isang Kyler Alfonso na nakasuot pa ito ng Jersey uniform niya at mukhang wala sa mood si loko.

"Kyler. Tapos na basketball match niyo?" Tanong ni Ethan.

Pero tila ba'y nagbago siya. Hindi man lang kami sinagot at dinaanan lang at didiretsong naglakad papuntang parking lots.

"Anyare dun?" Tanong ko kay Ethan.

"Ewan. Makibalita na lang tayo sa iba." Sagot naman ni Ethan at nagpatuloy na kaming sa paglalakad.

Sa hallway pa lang, naririnig ko na ang mga bulong bulongan mg iba.

"Ito siguro yung pinakaworst na basketball match ever."

"Oo nga! Ano ba kasing nangyari sa Kyler na yun. Bigla na lang nagwalk out."

"Kaya nga. Walang ka gana-ganang manood sa match na yun. Sobrang boring! Tambak nga ang scores sa kalaban eh."

"Sobrang layo ng agwat. First quarter pa lang, tambak na ang scores dahil hindi pumasok si Kyler sa first five."

"Nakakainis siya. Sobrang nadismaya ako sa inasta niya kanina. May pawalk out pa, tapos hindi naman bagay sa kanya."

"Kaya nga. Hindi porket sikat siya dito, at sinasamba siya ng fans niya. Pwede na siyang dismayain ang mga nagmamahal sa kanya."

"Feeling ko may problema yun sa lovelife. Mukhang may LQ sila noong Chesca na yun."

"Kung may LQ man sila. Sana maghiwalay na sila. Hindi naman bagay sila eh."

"Oo nga. Yung Chesca Madrigal na yun ang dahilan kung bakit hindi na tayo pinapansin ni Captain Kyler."

"Dapat mawala na si Chesca dito eh. Akala niya naman sobrang ganda."

"Oo nga eh. Sana mawala na siya. Sobrang fake kasi ang babaeng yun eh."

"Hindi lang fake! Scammer pa. Noon palagi niyang sinaktan si Captain Kyler. Mapaphysical, mapaverbal, mental, emotional, baka nga financial kukunin niya."

"Oo nga! Siya ang real na scammer! Dahil Sabi niya hindi niya papatulan ang isang Kyler Alfonso, pero ngayon? Scam is real!"

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon