"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian.
Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati?
Away at b...
PUMARA agad ako ng taxi nang tapos na ako sa OOTD ko. At gaya ng nakagawian late na naman akong pumasok.
Binuksan ko agad ang taxi at pumasok, may nakasakay pala dito isang magandang babae. Ngumiti ito kaya nginitian ko na lang din siya. Friendly naman talaga ako kapag sa taong mabait.
"Thomas University po Manong." Sambit ko kay Manong Taxi driver at umupo na.
Nagsimula nang magmaneho si Manong Driver. Ilang minuto pa nagsalita ang katabi ko.
"Ahmf! Ikaw ba si Nicole Madrigal?" sabi nito.
Ako? Ako ba ang kausap niya. Syempre naman. pero ba't alam niya ang pangalan ko.
"Ahmf. Yes. Paano mo na laman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.
"I'm Max taga Thomas University rin ako nag-aaral. Tingnan mo ang school uniform ko." Sabi niya sa akin.
Oo nga naman bakit ko ba tinanong nakita ko naman pala ang uniform niya na nagpapahiwatig na taga TU siya.
"Ahmf! Oo nga naman. Pero ganun na ba ako kasikat dahil nakilala no ako, bago pa kasi ako doon e?" Tanong ko na nahihiya pa.
"Ahmf! Siguro bukang bibig ka sa mga kaklase ko. Tatlo kayong Madrigal diba?" Tanong nito.
"Yes. My cousins slash sisters ko. Si Eunice and Chesca." Sagot ko naman.
"I think you have potential. I like your face baka ikaw na ang hinahanap namin." Sabi nito.
"What do you mean po?" Tanong ko.
"I'm the cheerleader slash cheer Captain. If you are interested to join to be part of my cheering squad team, mag audition ka naman please." Sabi niya.
"Cheering Squad. Oh my gosh. Totoo?" Sabi ko na hindi makapaniwala.
"Yes. Mag-aaudition ka ba?" Tanong niya.
"Yes. I'm part of the dancing company in my school dati. Then nagwoworkshop rin ako sa acting and singing dati." Sabi ko.
"So good. Mukhang hindi kami magkakaproblema and I'm sure you are in." Sabi nito. Ang ganda naman ng encouragement word na mga sinabi niya.
"But saan at kailan po ang audition?" Tanong ko.
"Ang audition ay Saturday 3 to 6 PM. Sana makapunta ka. at Thomas University Court, in our school syempre." Sagot niya.
"Sige po." Sagot ko.
"And this is my number. Can you call me nalang if you have a question. And wag mo na akong e PO magkasing edad lang naman tayo, magkasing level." Sabi niya na tumatawa at sabay abot sa maliit na papel na nakasulat ang number niya.
"So ano pong gusto kung tawag sayo?" Tanong ko na tumatawa na rin.
"Max. Just call me Max or Maxene." Sagot niya.
"Okay Max." Sabi ko.
Matapos sa conversation na yun parang may anghel na dumaan dahil bigla na lang tumahimik. Hanggang makarating kaming Thomas University.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.