Nicole's POV♡♡♡
Bumaba kami ng taxi sa tapat ng PPBar. Oo! 'Yan ang nakapaskal sa labas. Dito pala nagbabanda si Steven at hindi naman natin ipagkakaila na magaling talaga siya.
Music Lover kasi eh.
"Steve." Napalingon kami sa likod ng tinawag ang pangalan ng kasama ko.
Nakita ko ang tatlong lalaki na papunta sa direksyon namin.
"Kumusta? At sino yang kasama mo? Ipakilala mo naman kami." Sabi ni Boy. May pagkachickboy rin pala ang isang 'to.
"Siya si Nicole, kaibi---"
"Siya ba yung sinabi mo na--"
"LOKO!" Sambit ni Steven. Ewan ko sa kanila hindi ko sila maintindihan. "Pumasok na nga kayo!" Dugtong na sambit ni Steven, kaya walang nagawa ang tatlo kundi pumasok na ng PPBar.
"Ano? Tara na." Sambit nito at hinawakan ang kamay ko. "Kailangan kong gawin to para hindi ka ma out of place dito." Bulong niya sa akin, kaya okay.
Nagtungo kami sa may front side at doon kami umupo. And yes, nandito na ang tatlong kasamahan ni Steven kaya umupo na rin ako sa table nila.
"Ahmf! Nicole, feel at home ka lang dito 'ha.... Wag kang mahiya." Sabi ni boy na kasamahan nila.
Anong feel at home hindi naman 'to house e?
"By the way, ako pala si Hunter ang poging drummer ng banda namin." Sambit niya sa akin. "Syaka marunong din akong kumanta, kapag paos ang vocalist namin na si Steve ako ang pumapalit." Sabi nito.
Hays... Hindi ko naman tinatanong ang name niya ha? Feeling close.
"Pasensiya ka na Nicole feeling close lang 'yan si Hunter. Ako naman si Ryan ang bass guitarist." Pakilala naman ng isa.
"Ako naman si Josh ang guitarist." Sambit naman ng isa.
"Okay. Nice meeting you all." Sambit ko na lang at tiningnan si Steven na katabi ko. "Ganyan ba talaga ang mga kabanda mo? Masyadong feeling close?" Bulong ko sa kanya na naparoll eye pa.
"Hindi naman siguro sa pagiging feeling close, siguro hobbies lang nila ang pagiging hospitable." Sagot naman nito sa akin.
"Duh! Hospitable ba talaga?! Mukhang takas nga sa mental hospital sa pagiging close!" Sabi ko at nagroll eye na naman ulit.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong naman ni chickboy na si Hunter ba 'yon? 'Yung gusto pang ihayag na magaling din siya sa pagkanta.
"Wala naman." Sabi ko at ngumiti ng peke.
"Guys?" Sambit ng lalaki na kararating lang. "Ready na kayo?" Tanong nito sa kanila. "At sino siya?" Sunod niyang tanong sa kanila ng mapansin ako.
"Ahmf! Kuya, si Nicole pala pinsan ni Eunice." Pakilala ni Steven sa lalaking nasa harapan ko.
Ang gwapo niya naman.
"Okay... Pero nakita niyo ba si Ethan? Sabi ni Manang hindi pa daw umuwi sa bahay?" Sambit namin ni Kuyang Pogi?
Pero what?!
"Magkasama' yung dalawa," Sagot ni Steven. "Si Eunice at Ethan." Sagot naman ni Steven.
"Si Ethan talaga, mukhang duma damoves na," Sambit ni Kuyang Pogi na ikinakunot ng noo ko. Anong ibig niyang sabihin? "Sige! Sumalang na lang kayo sa stage kung kailan niyo gusto. May aasikasuhin lang ako sa Office." Sabi ni Kuyang pogi at umalis sa harapan namin.

BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...