Chesca's POVBukas na pala ang field trip namin sa Visayas. Kaya lang sobrang lungkot dahil suspended for a month ang mga Sissy ko. Ewan ko nga, anong plano namin bukas. Mukhang gusto ko na lang gumawa ng narrative report for this subject, ayaw ko naman maiwan ang mga Sissy ko dito at hindi rin ako sure kong sasaya ako kong sasama ako for that field trip.
*KRINGGGGG*
"Class Dismissed." Sambit ng last subject namin. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko.
Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na rin ng classroom namin. At gaya nga ng nakagawian nandito na nga si Kyler. Ewan ko nga sa kanya, mula ng naging kami hindi ito nagpapahuli palagi. Mukhang ayaw malate ang mokong.
"Babe. Akin na to." Sambit niya sa akin at kinuha ang mga libro ko.
"Sana All" Sambit naman ng mga kaklase ko ng makalabas rin na ikinakunot ng noo ko sa kilig. Charrr.
"Date tayo?" Tanong nito ulit at hinawakan ang kamay ko. Hindi pa nga ako sumagot kinaladkad na niya ako.
Ano na naman ba to?! Force Date
"Kyler. Wag muna ngayon. Kailangan kong puntahan ang mga Sissy ko." Sambit ko sa kanya na ikinahinto niya at hinarap ako.
"Chesca naman. Boyfriend mo ako diba? Sino ba ang importante sayo sila o ako?" Sambit nito sa akin.
Inirapan ko siya bago sumagot. "Kyler naman. Babe, wala akong dapat piliin sa inyo. Mahalaga sila sa akin at mahalaga ka rin sa akin." Sabi ko sa kanya. "At sana naman maintindihan mo ang sitwasyon nila ngayon. Kailangan nila ako." Dugtong ko na sinabi na ikinabuntong hininga niya.
"So. Kailan tayo magdedate?" Tanong nito sa akin.
"I don't know. May mga projects pa akong tatapusin within this week." Sabi ko sa kanya na ikinabuntong hininga na naman niya.
"Babe naman. Wag puro aral nakakaboring kaya yan." Sabi nito sa akin.
"Kyler. Kung puro aral lang ang inatupag ko, hindi sana kita sinagot." Sambit ko sa kanya.
Napabuntong hininga na lang siya at tumango tango. "So kailan nga tayo magdedate?" Tanong ulit.
"Ang kulit. Walang date." Sambit ko at naunang naglakad.
Nakakabwisit rin kasi minsan ang boyfriend na sobrang kulit eh. Yung tipong selfish gusto niya na siya lang ang pipiliin ko.
Alam ko naman sinundan ako ni mokong. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Hi Kyler. Uuwi ka na?"
"Kyler? Kailan ba ang laro niyo para makapagcheer naman kami sa inyo?"
"Kyler. Mukhang gumagwapo ka lalo ngayon. Anong sikreto mo?"
"Kyler. Wala ka bang kadate ngayon? I'm free."
"Kyler. Sobrang hot mo talaga."
Sambit ng mga babae na nakukumpulan as hallway. Napairap na lang ako sa mga boses palaka na yun. Tiningnan naman ako ni Kyler na ngumiti ito kaya inirapan ko na lang siya ulit.
"Ahmf! Girls. Sorry, ihahatid ko pa kasi ang GIRLFRIEND ko. Pasensiya na." Sabi naman ni Kyler at dali-dali akong nilapitan at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad ko itong inilayo.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...