Eunice's POV
♡♡♡
PAPUNTA kami ngayon sa Student Council Office para kunin ang ID namin. Uwian na namin ngayon ni Chesca pero si Nicole may klase pa hanggang 5PM.
Pero sumama siya sa amin dahil baka daw may signature at dapat ang may-ari ang dapat kukuha ng ID. Sinabihan namin siya na kami na lang kukuha hindi nagpapigil talaga. Alam mo naman ang babaeng 'to. Takas pa more ang loka. Alam ko ang diskarte nito. Hindi na 'to babalik sa classroom niya.
Nang makarating kami sa Student Council office. Wala si Manhid Ethan. Kusang babae lang ang nandito. I think caretaker siya dito. Sa mukha pa nga niya pang caretaker na. Pero joke lang.
"Hello po." Sambit ni Chesca sa babae.
"Ahmf! Kukuin niyo na ba ang ID niyo?" Tanong nito.
"Oo sana." Sagot ni Chesca. Siya lang naman talaga ang mabait sa amin. Pero joke lang mabait naman kami ni Nicole kusang mahaba lang talaga ang pasensiya ni Chesca. 'Yan lang ang pagkakaiba namin.
"Ahmf! Ms. Chesca Madrigal ang ID mo po kunin mo na lang daw kay Mr. Kyler Alfonso. Nasa kanya na po ang ID mo." Naikinagulat namin.
"What? Bakit nasa kanya?!" Gulat na tanong ni Chesca.
"Sabi niya kasi siya na lang daw ang magbibigay." Sabi naman ni Mirriam ang babaeng kausap namin.
Yes! Kanina hindi ko siya kilala pero ngayon kilala na dahil sa suot niyang ID. Okay. Secretary pala siya dito.
"Okay, salamat. Nicole at Eunice, auna na lang kayo. Pupuntahan ko lang ang mokong na yun." Sabi ni Chesca at nagmamadaling umalis.
"Ang ID ko naman po?" Tanong naman ni Nicole na nakataas ang kilay.
"Yung ID niyo po Ms. Nicole Madrigal si Mr. Steven na lang daw ang magbibigay sa inyo." Sabi nito kay Nicole na ikinalaki naman ng mata niya.
"Paki-alamero talaga ang mokong na 'yun!" Sabi ni Nicole at umalis.
Hala siya? Hindi man lang nagpaalam sa akin at nagpasalamat man lang sa Mirriam na kaharap namin. At galit na galit si Sissy Nicole e.
"At sayo naman Ms. Eunice Madrigal magkita daw kayo ni Mr. Pres. sa rooftop ng admin building. Nandoon siya at naghihintay sayo at nasa kanya na rin ang ID mo." Sabi nito sa akin.
Hindi ko na sinagot si Mirriam dahil agad na agad na akong lumabas. Hinahamon talaga ako sa mokong na yun.
Humanda ka sa akin. Mokong ka.
*****
Chesca's POV
♡♡♡
Nang malaman ko na kay manyak ang ID ko agad ko itong pinuntahan sa classroom niya at tamang-tama tapos na rin ang class nila.
"Oy? Babe. Hinihintay mo ako. Namimiss mo ako 'no, magkasama pa nga tayo kanina." Sabi ni Kyler na inaasar pa ako.
Kinompronta ko siya. At wala akong pakialam kong nakatingin ang mga kaklase niya.
"Nasaan ang ID ko?!" Tanong ko na may gigil ito.
"Hindi ko ibibigay sayo, kung hindi mo susundin ang gusto ko." Sabi niya at kinindatan ako at tumakbo.
"HOY! IBIGAY MO ANG ID KO!" Sigaw ko at hinabol siya kung saan pupunta.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...