Chapter 114: Revelations

792 41 37
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Nagmamadali kaming nagpunta sa labas ng University kung saan ang Ice Cream Parlor nina Kyler.

At ito nga. Medyo nagpapanggap kami ngayong lahat para kay Eunice. Nagpanggap kami na okay kami kahit galit parin ako kay Kyler sa ginawa niya sa akin.

Oo! Sabihin natin na nakainom siya pero tama ba yung ginagawa niya sa akin? Yung actions niya, yung words niya ang hindi ko nagustuhan.

Ewan ko sobrang nanginginig ako kapag maalala ang panahon na yun na muntikan na talaga. Hooh! Bwis*t!

Nilibot namin ang paningin sa Ice Cream Parlor dito. Nasaan ba si Maggie? Akala ko ba nandito siya?

"Hoy! Nicz? Saan si Maggie na sinasabi mo dito?" Tanong ni Mira kay Nicole.

"Ahmf! Sabi niya nandito na daw siya." Sagot ni Nicole.

"Upo muna lang tayo." Sambit naman ni Kyler sa amin at nauna ng naglakad at nagpunta sa may table.

Sumunod naman kami sa kanya. Hihintayin lang namin siya. Yung iba talaga Filipino time sobra. Yung nandito nila on the way pa pala.

Hayss! Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at pinpower on ito.

Alam niyo kasi inoff ko talaga to. Dahil ang daming istorbo e. Una yung Cindy na yun na Unknown number. Pangalawa naman ang mokong na ex ko na nakasama ko ngayon.

"Oh! Nandito pala kayo? Bonding?" Biglang sambit ni Tita Jamie ng dumating ito sa table na inupuan namin.

"Parang ganun na nga po." Sagot naman ni Steven.

"Ahmf! Tita pumunta na ba si Maggie dito? Yung kapatid ni Eunice?" Tanong ni Nicole.

"Wala pa naman. I mean wala akong napansin na pumunta siya dito e." Sagot ni Tita Jamie.

"Ahh. Okay po." Sambit ni Nicole.

"GUYS!" Napatingin kami sa boses na mala megaphone na ito.

"Hay naku! Akala ko ba nandito ka na?" Sambit ni Nicole ng makarating si Maggie sa amin.

"Sorry naman po. Filipino time kasi. Kaya lang natraffic." Sabi nito at tumawa pa.

"Ano bang sasabihin mo Mags?" Tanong ni Eunice sa kapatid niya.

"Ahmf! Very important toh." Sambit nito sa amin na ikinacurious ng mga mukha namin.

"Ano nga?!" Sabay naming tanong sa kanya.

"Pero, by the way. Wag ka munang sumagot Maggie. Ano po ang kakainin niyo?" Tanong ni Tita Jamie sa akin.

"Wag mo na Tita. Importante to ang sasabihin ko." Sambit ni Maggie.

"Kasali ba ako dyan?" Tanong ni Tita kay Maggie.

"Yes po." Sagot ni Maggie agad kay Tita Jamie.

"Ano ba talaga ang sasabihin mo Mags?" Tanong ni Kyler kay Maggie na ikinabuntong hininga niya.

"Ano ba Mags? Good news ba yan o bad news?" Tanong ni Drake kay Maggie.

"Ahmf! Good news na may halong bad news." Sagot naman nito.

"Ano nga?" Tanong ni Miko sa kanya.

"Wag kang magulo sasabihin ko na!" Sambit ni Maggie at inirapan si Miko.

Hays. Mukhang kinakabahan akong kung anong sasabihin ni Maggie sa amin.

"Mags ano ba talaga ang sasabihin mo?" Tanong ni Eunice kay Maggie.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon