Chapter 39: Ganti

1K 36 3
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

WALA akong ginawa in whole day kundi mag-stay sa condo unit namin. Alam niyo naman galing ako sa hospital at recommend ni Doc na kung pwede next week muna ako papasok baka mabinat ang sugat ko. At alam na rin ng adviser ko ang nangyari sa akin, pero hindi niya alam kong sino ang may gawa.

6PM na ng gabi ng umalis si Kyler sa condo namin. Alam niyo naman nag-alala daw siya kay Chesca at ayon the whole day din inalagaan si Chesca sa kwarto niya.

Speaking of 6PM. Wala pa si Eunice sa pagkakaalam ko hanggang 4 lang ang class niya, pero hindi pa umuwi? Saan na kaya ang lokang yun.

"Ate Anggie saan ka pupunta?" Tanong ko kay Ate Anggie ng makita kong lalabas ito ng condo unit.

"Bibili ng ulam natin." Sagot nito.

"Wala na bang maluluto diyan?" Tanong ko sa kanya at turo sa may kusina namin.

"Wala akong ganang magluto kaya bibili na lang ako sa labas, siguro may nagtitinda naman diyan sa tabi tabi 'di ba?" Sabi nito sa akin.

"Ate. Magpapadeliver na lang tayo. Sobrang hassle lang 'yan. Ano bang gamit ng delivery boy kung nakamokmok lang." Sabi ko.

"Basta. Gusto ko rin mamasyal." Sabi niya at lumabas.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Alam ko naman kung bakit gusto niyang lumabas d'un dahil magpapansin na naman siya sa gwapong attendant sa baba, gwapo nga ni Kuya e.

Pero?! Ano ba ang gagawin ko dito? Sobrang bored ko kasi. Sumama na lang kaya ako kay Ate Anggie? Siguro hindi pa 'yun nakakalayo.

Dali-dali akong lumabas. At gan'un na lang ang gulat ko ng makita si Max sa tapat ng pinto ng condo ni Steven.

Nilapitan ko siya na nakataas ang kilay.

"Kumusta?!" Tanong ko sa kanya na ikinalingon niya sa akin na para bang nakakita ng multo.

"N-Nicole?" Sambit nito.

"Yes. Ako nga?! Kamusta?! Bakit parang takot ka?! Bakit parang umurong ang dila mo?!" Sambit ko sa kanya na may gigil.

"Nicole. Ano bang nang--"

*PAK*

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Sigaw niya sa akin ng sampalin ko siya.

"Sa akin wala. Pero sayo?! Ang dami!" Sabi ko sa kanya na ikinagigil niya.

"How dare you!" Sambit niya na akmang sasampalin ako pero bago pa dumapo ang kamay niya sinangga ko na ito bago siya ulit...

*PAK*

Isang sampal na naman ang ibinigay ko sa kanya na ikinatameme niya.


"Ano?! Kakalabanin mo ako?!" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"BITAWAN MO ANG KAMAY KO!" Sigaw niya sa akin, kaya dahil masunurin ako binitawan ko siya. "OUCH!" Sambit niya ng napaupo ito sa sahig. "HOW DARE YOU!" Sigaw na naman niya sa akin.

"Paulit-ulit na lang ang sinasabi mo Max. Wala ka bang bagong line?! Puro how dare you na lang ang sinasabi mo?! Nakakasawa na!" Pang-aasar ko sa kanya.

"WALA AKONG PAKI-ALAM!" Sigaw niya sa akin. Mukha baliw na talaga ito. "IKAW! TIGILAN MO NA KAMI! TIGILAN MO NA ANG GINAGAWA MO!" Sigaw niya sa akin.

"Ako ba ang dapat titigil?!" Tanong ko sa kanya.

"YES! Pero, wala na pala akong dapat ipag-alala tungkol sayo. Dahil wala ka na. Tanggal ka na sa Cheering squad team." Sabi niya at tumawa pa.

Dahil sa inis ko, hinawakan ko ang leeg niya at sinakal ito habang sinandal sa pinto.

"BWIS*T KA! ALAM KONG IKAW ANG GUMAWA SA AKIN NITO! KAYA, PUPUTULIN KO NA ANG HININGA MO BAGO KA PA MAKAPANAKIT NG IBA!" Sabi ko at diniinan ang pagsakal sa leeg niya.

"W-wag ah an--"

"Anong nangyari dito?!" Bungad na tanong ni Steven ng bumukas ang pinto, kaya agad kong binitawan ang leeg ni Max na demonyo.

"Steve.. Ahh. Paaapatayin ahhko ng babaeng to!" Sambit ni Max na naghahabol ng hininga.

Tinaasan ko lang siya ng kilay agsusumbong pa talaga siya kay Steven pero wala man lang reaksyon si mokong.

"Steve. Hindi mo ba ako ipagtatanggol sa babaeng yan!" Sambit ni Max ng makarecover na sa paghinga. Mas lalo ko pa siyang tinaasan ng kilay para maasar pa siya.

"Pwede ba Max. Umalis ka na dito?! Syaka ano bang ginagawa mo dito?" Akwardong tanong ni Steven kay Max.

"Pati ba naman ikaw. Paaalisin ako. Steve. I am here to support you. Sasamahan kita sa gig mo." Sambit ni Max.

"Sorry Max, may kasama na ako." Sambit nito.

"Sino?!" Tanong nito na nagtataray pa.

"Si Nicole. Diba sasamahan mo ako?" Sambit ni Steven at nilapitan ako. My Gosh. "Sabayan mo na lang ako." Bulong ni Mr. Headset sa akin.

"Ahmf! Yes. Ako ang pinasama ni Steven sa gig niya, kaya kung pupunta ka? Sorry hindi kasi pwede ang marupok don." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"WAAAAHHH! BWIS*T!" Sigaw niya sa akin bago umalis. Baliw talaga.

"Thank you." Sambit ni Steven sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Sama ka sa gig ko. Masaya d'un. Feeling ko kasi bored ka." Sabi nito sa akin.

Napag-isip isip ko rin 'yun. Kaya nga ako lumabas para sumama kay Ate Anggie dahil sobrang bored ko.

Tatanggapin ko ba ang offer ni Steven? Tutal naka ganti na naman ako sa Max na 'yun.

"Game." Sabi ko at sumama nga sa kanya. Bahala na. Gusto kong maging happy ngayon.

Ayaw kong mastress, kaya music is life.

Pagbaba namin ng condo. Nakasalubong ko si Eunice at Ethan. What?! Magkasama sila?!

"Saan kayo galing?!" Tanong ko sa dalawa at ang nakakaloka nagtinginan lang sila at hindi nagsalita.

"Hoy! Nagtatanong ako sagutin niyo? Saan kayo galing? Bakit kayo magkasama?" Sunod sunod kong tanong, hindi talaga sumagot ang dalawa.

"Mukhang walang balak sumagot e. Kaya tara na." Sambit ni Steven sa akin at humakbang na ito at gan'un rin ako.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Eunice sa amin habang nakatalikod kami nagtitigan kami ni Steven.

"Tara na." Sambit ni Steven at hinawakan ang kamay at umalis na nga kami sa harapan nila.

Ganti ganti lang pag may time. E, tinanong ko sila kung saan galing. Hindi ako sinagot e.

So di ko rin sila sasagutin.

Ganti ganti





To be continued....


@MasterJemss

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon