Chapter 29: Role Play

1.1K 33 3
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

KASALUKUYAN akong nandito sa labas ng University. Yes! Hindi nga ako nakapasok, dahil na kay mokong pa ang ID ko.

At ito ako ngayon kaharap si Manong Guard.

"Alam mo pareho kayo ng pinsan mo, nga irresponsable sa pag-aaral niyo. Alam niyo naman sigurong hindi na makakapasok kapag walang ID simula ngayon. Sana kinuha niyo ang ID niyo bago mag-weekend." Sabi ni Manong Guard.

"Sa pagkakaalam ko Guard ka lang dito e, KAYA WAG KANG UMASTA NA IKAW ANG NAGMAMAY-ARI SA SCHOOL NA 'TO!" Sabi ko sa galit.

"Ikaw, maldita ka talaga... Pero ayaw kong pumapatol sa mga malditang estudyante dito, dahil as a employee dito sa school tinuruan kaming paano maging patient o kaya patience." Sabi nito sa akin.

"Eh sa tingin mo Manong Guard. Hindi ba ako tinuruan ng ganyan? Tinuruan din ako. AT TINURUAN DIN AKO NA HINDI PAPATOL SA MGA MATATANDA!" Sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman." Sabi ni Manong Guard sa sinabi ko sa kanya.

"HAYOP KA! INAHAS MO ANG BOYFRIEND KO!" Sigaw ng isang babae at nakipagsabunutan sa isang babae dito sa labas ng University.

"HOY! TAMA NA YAN!" Sigaw ni Manong Guard sabay lapit sa mga babae na nag-aaway kaya nakadiskarte akong makapasok dito.

Sa wakas nakapasok rin, kukunin ko na talaga yung ID ko kay Mr. Manhid na 'yun. Ngayon din Now na!

Pagdating ko d'un. Nandito na si Ma'am. Hala! Muntik pa akong mahuli sa klase ko, buti na lang talaga na may dalawang babaeng nag-aaway kanina, malaking pasasalamat ko sa kanila.

"Okay prepare everyone for your presentation." Sabi ni Ma'am.

Hala. Paano na 'to.

Wala pa naman kaming practice dahil sa mga kagrupo kong irresponsible sa kanilang mga ginagawa sa tingin mo nga walang nabuong concept ang mokong na leader namin.

What all about ang irorole play namin.

Napatingin ako sa mga ibang group ay nag-aasikaso na sila samantala ang group namin, wala man lang ginagawa.

Ito umupo lang.

"First performer group 1. Mr. Natividad group." Sabi ni Ma'am Debbie.

Tumayo naman ang mga kagrupo ko at kasama na si Mr. Natividad at tumayo na rin ako.

Ano ba about ang irorole play namin

"Ano ang concept?" Tanong ko sa isa sa kagrupo ko.

"Basta. Ikaw na ang bahala." Sabi nito, sabay tulak sa akin kaya ako ngayon na napasubsob sa dibdib ni Mr. Natividad, nagtitilian naman ang mga plastic kong kaklase.

"ANO BA?!" Sigaw ni Mr. Natividad sa akin na ikinagulat ko. "Are you a new student here? Hindi mo ba ako kilala." Sabi nito sa akin na ikinataas ng kilay ko. "No reaction, no words, wala ka lang bang sasabihin? Walang Sorry?!" Sabi nito sa akin.

Ano bang pinagsasabi ng mokong na 'to? Speechless bigla ako e.

"OMG... Ethan Natividad. Good Morning... Mr. President." Sambit naman ng kagrupo ko at pumunta sa pwesto ni mokong.

"Good Morning." Sabi naman ni mokong, napatingin sila lahat sa akin.

"Who is she?" Tanong ng isa ko pang kagrupo.

"She is our new classmate?" Sambit ng isa.

[A/N: Sabayan niyo ng tugtog na Kung Di Rin Lang Ikaw by: December Avenue feat: Moira Dela Torre. Pero mas maganda if minus one siya o kaya karaoke]

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon