Nicole's POV
8AM na ngayon, si Eunice at Chesca at kasama pa namin ay kasalukuyang nag-iihaw ng barbeque. Eh, Ewan ko nga sa Ethan na yun, sobrang yaman pero hindi man lang nag-order ng pagkain yung hindi na kami magsasayang ng force at effort. May mini canteen at restaurant naman dito sa resort na handang Pagsilbihan ang mga client nila.
"Hindi pa ba lumabas si Sir. Ethan?" Tanong ni Kuya Rolly yung driver. Pero infairness ha may itsura din si Kuya Rolly.
"Nakita mo naman siguro diba na wala dito?! Edi wala!" Pamimilosopo ni Ate Anggie mukhang may LQ ang dalawa.
"Hoy! Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya wag kang sumagot!" Sambit naman ni Kuya Rolly.
"Tama na yan." Awat ni Steven sa dalawa. "Wag masyadong mastress nandito tayo para magrelax." Sambit ni Steven. Kaya napairap na lang si Ate Anggie at tinuon ang pansin sa pagpaypay ng barbeque.
"Eunice wala pa si Ethan. Tawagin mo na nga kaya." Sambit ni Chesca kay Eunice. Napabuntong hininga na lang si Eunice.
"Mukhang may LQ rin kasi ang dalawa, kagabi pa yan." Sambit ni Kyler na ikinataas ng kilay ni Eunice.
"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw gawa-gawa ka talaga ng kwento. Hindi naman kami nag-away kagabi ha." Sambit ni Eunice sabay irap.
"Kung hindi kayo nag-away puntahan mo nga siya. Tawagin mo na nga siya." Sambit ni Kyler kay Eunice.
Napabuntong hininga na lang ulit si Eunice bago nagsalita. "Fine!" Sambit nito mukhang labag sa kalooban ng dalawa sabay alis.
"Matagal pa ba yan?" Tanong ko sa kanila.
"Matagal pa po Senyora." Sambit ni Steven na ikinairap ko.
"Okay! Tawagin niyo na lang ako kung kakain na. Maglilibot muna ako at gusto Kong maghanap ng magandang view." Sabi ko sa kanila. Hindi na nila ako sinagot dahil, Ewan ko sa kanila.
Dinukot ko ang phone ko. Dahil napag-isip isip ko na kailangan ko na rin sigurong mag update sa channel ko. Miss ko na kasing mag blog.
"OUCH!" Sambit ko ng binangga ako ng isang babae at alam ko sinasadya niya yun. Nahulog nga ang phone ko eh.
"Sorry. Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo. Kung nakakasagabal ka ba sa dinadaanan ko?!" Sambit nito na tinarayan pa ako.
Aba! Hinahamon talaga niya ako. Bwis*t na babaeng yun.
"Excuse me. Hindi naman siguro ako nakakasagabal sayo diba?! Mukhang ikaw ang nakakasagabal sa akin!" Sambit ko na tinaasan rin siya ng kilay. Akala niya siguro na siya lang ang mataray sa akin.
"Sorry. Sa ganda kong ito pagsasabihan mo nang nakakasagabal?! Ops wrong! Ikaw ang nakakasagabal." Sambit nito at tumalikod.
"DUWAG!" Sigaw ko sa kanya. Naikinairap niya. Bwis*t ginagalit talaga ako sa babaeng yun. Hindi pwede to. Hahanapin ko yun.sa social media, kailangan niyang mabash, kailangan siyang makatikim ng mga harsh comment.
Dapat ako lang! Ang fashionista na maldita! Ako lang! Ako lang dapat!
Dibale na, I need fresh air ngayon. Nandito kami para magrelax hindi mastress. Pinulot ko ang phone ko. At ganun na lang ang gulat ko ng may lalaki sa likod ko na panay tingin sa hita ko.
"HOY! BINUBUSUAN MO AKO!" Sigaw ko ng kinompronta ko siya. Ngumiti ito na parang manyak.
"I like you Babe. Ang ganda mo!" Sambit nito at akmang hahawakan ako.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Fiksi Remaja"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
