Chesca's POV
♡♡♡
KASALUKUYAN akong naglalakad ngayon papasok sa entrance gate ng Thomas University.
Yes! It's Tuesday. School day.
At gaya nga na nakasanayan, nagkarambulan na naman dito sa entrance gate. Ano ba naman kasi? Nandito na kasi si Mr. Pervert Kyler Alfonso at ito pinalilibutan na na man ng mga stupidents.
Napatingin siya sa akin ng dumating ako, tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Hi." sabi ng nang papalapit sa akin.
Tatalikod na sana ako ng biglang may dumating na lalaki at binigyan ng suntok si Kyler sa mukha. Napasubsob siya sa sahig habang ang mga stupident walang tigil sa pagsigaw dahil sa gulat.
"WAAAAHHHH! KING KYLERRR!"
"TAMA NA PLEASEEE!"
"WAHHH!"
"HAYOP!" sabi ng lalaki at kinuwelyuhan si Kyler kaya ngayon nakatayo na siya ngayon.
Aakma na sanang sumuntok ang lalaki.
"Tama na please." awat ko sa lalaki kaya hindi niya tinuloy ang pagsuntok kay Kyler.
Nakita ko sa gilid ng labi ni Kyler na dumudugo na ito.
"Sino ka ba?" kalmadong tanong ng lalaki sa akin. "IKAW BA ANG BAGO NIYANG PINAGTRIPAN?! GIRLFRIEND KA BA NIYA?!" maangas na tanong sa akin ng lalaki na mukhang ang bilis umiba ang reaksyon nito e.
"Ahmf! Hi-------"
"SABIHIN MO SA BOYFRIEND MO NA WAG NIYA NG LANDIIN ANG GIRLFRIEND KUNG SI MIRA! KUNG AYAW NIYANG HINDI NA SIYA SIKATAN NG ARAW!" galit na galit na sambit nito sa akin na ikinagulat ko.
Speaking of Mira, siya pala ang boyfriend ni Mira na kaklase ko na nilandi ni mokong na 'to.
Bwis*t nadamay pa talaga ako.
"KAYA IKAW! BANTAYAN MO YANG MABUTI ANG BOYFRIEND MO!" sabi nito sa akin bago umalis sa harapan ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa pangyayari. Tiningnan ko si Kyler na nakangiti lang sa akin. Nag roll eye lang ako bilang feedback sa kanya.
"King Kyler. Okay ka lang?" tanong ng isang babae.
"Yes, I'm okay! Sige mamaya na lang, pumasok na kayo." sabi niya sa mga babae nagkakarambulan dahil sa kanya.
Sinunod naman siya nito. Parang artista lang ha? Andaming fans. Napabuntong hininga na lang ako bago ko naisipan na umalis sa harapan niya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng may umakbay sa akin. Huminto ako at tinanggal ang kamay niya bago siya hinarap.
"Anong problema mo?" tanong ko.
"Wala lang." sabi niya na pangiti-ngiti.
"Ba't ganyan ka makangiti? Masaya ba na nasapak ka na? Feel mo ba ang saya habang dumudugo ang gilid ng labi mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Pero masaya lang ako dahil pinagtanggol ako ng girlfriend ko." saad nito sa akin sabay kindat.
Agad ko siyang kinuwelyuhan kahit alam ko mas matangkad pa siya sa akin.
"HINDI MO AKO PAGMAMAY-ARI!" madiin na saad ko sa kanya.
Yumuko siya sa akin para maglapit ang mga mukha namin. Bwisit!
"Pagmamay-ari na kita ngayon." sabi niya at kinindat naman ako na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Ano? Babe, hatid na kita sa room mo?" sabi nito sa akin na ikinainis ko kaya naman----
"OUCH!" sigaw niya habang hawak ang private part niya.
Nginitian ko siya dahil sa ginawa ko. Edi tinuhod ko lang naman siya sa private part niya.
Mabaog sana siya.
"Sorry. But I'm not yours." sabi ko sabay irap at nagpatuloy sa paglalakad.
"BWISIT KA! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN! MAPAPASAAKIN KA RIN!" sigaw niya na namimilipit sa sakit.
"ASA PA MORE!" sigaw ko rin sa kanya.
Napangiti na lang ako sa ginawa ko sa pervert na 'yon.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Roman pour Adolescents"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
