Chesca's POV♡♡♡
Sobrang nakakapagod ang utak ko ngayon. Pagod na pagod ako sa iba sa pagsagot ng test questioners.
Pero sulit naman ang study ko dahil nakasagot naman ako. Pero paano na yung Gen Math ko? 60 grades? Paano yun.
Bwis*t kasi eh. Bwis*t siya kung sino man ang naglagay ng leakage sa armchair ko. Sa pagkakaalam ko clear bondpaper ang nasa table ko sa time na yun.
Pero paano niya nagawa yun? Paano? Lumabas lang ako nagrestroom tapos pagbalik ko ganun na! Sino ka ba talaga? Bakit mo ako ginigigil ng ganito.
WAAAAAHHHH! Bwis*t!
"Babe." Sambit ni Kyler ng makapasok ito sa dining area.
Oo! Nagpasya kasi akong umuwi na at hindi ko na sila hinintay. Sobrang stress ko na nga eh.
"Kumusta?" Tanong nito. Kararating lang niya ha. Kaya siya ganun na lang magtanong.
"Okay lang." Sagot ko.
"Yung ibang subject mo ba? Nakasagot ka ng matino? Hindi ka ba sinaktan nila? Hindi ka ba ginigipit ng mga teacher mo? Hindi ka ba pinaiyak? Ano?" Sunod sunod na tanong niya st umupo sa tapat ko.
"Ang OA mo." Sagot ko nito at umirap.
"Eh, kasi concern lang naman ako sayo eh. Baka kasi ginipat ka na naman nila." Sabi nito.
"Hindi naman. Kusang sa Gen Math lang ako magkakaproblema nito." Sagot ko sa kanya. "Pero ikaw ba? Nakasagot ka ba ng matino? Sa ibang subject mo? Hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka ba ginigipit ng mga teacher mo? Ano?" Balik ko na tanong sa kanya.
Turn na niya eh.
"Yun na nga eh." Sambit nito at bumusangot.
"Bakit? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ko nito.
"Pare-pareho lang kasi ang sinagot ko dun. Paulit ulit lang kahit iba ibang question." Sabi nito at nakabusangot ito.
"Eh, Bakit naman nagkakaganun? Eh, nagrereview la naman kahapon?" Tanong ko ulit.
"Nagrereview nga ako pero hindi kasi pumasok sa utak ko. Tanging Ikaw lang ang laman nito. Kaya ayon. CHESCA MADRIGAL lang paulit ulit sinusulat ko." Sabi nito at ngumiti na ikinairap ko.
Hindi ako kinikilig nacocornyhan lang ako.
"Baliw!" Sambit ko.
"Baliw lang sayo." Sambit nito at kumindat na naman.
"Isang hirit pa dyan. Suntok ang aabutin mo." Sabi ko sa kanya.
"Joke lang. Pinapatawa lang naman kita eh." Sabi nito sa akin.
"Tawa? Tumawa pa ako?! Stress na nga ako! Dumagdag ka pa!" Sabi ko sa kanya.
"Mainit ulo mo babe? Si Mommy pinadalhan ka ng ice cream. Ito Oh." Sambit nito at binuksan ang supot na dala niya.
May dala pala si loko.
"Cookies and cream?" Tanong ko na ikinatango niya.
"Teka lang kuha muna ako ng baso at kutsara mo Babe." Sabi nito at nagpunta sa kitchen.
Sarap naman ng ice cream na to. Cookies and cream. Pampalamig mg ulo, pampawala ng stress ko ngayon.
"Ito na." Sabi ko at binigay sa akin ang baso at kutsara.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...