Chapter 57: Parola

892 34 34
                                        


Eunice's POV





"HOY! EUNICE! GUMISING KA NA!" Sambit ni Nicole sa akin.

Napabalikwas naman ako sa gulat. Na kakabwis*t ang pagmumukha ni Nicole dito ngumiti pa na nagtatagumpay.

"Nicole naman eh. Alam mo naman na natutulog ang tao." Sabi ko na napakamot sa ulo ko.

"Hoy! Tanghali na noh. Mag 9AM na tapos ngayon tulog mantika ka!" Sambit ni Nicole sabay irap sa akin. "Sabagay hindi naman kita masisisi, may lovelife eh. May Ethan na namimiss ka, at miss mo. Sana All, walang tulogan dahil sa lovelife." Dugtong pa nito sa akin.

Grabe talaga ang babaeng ito. Sobrang maldita. Yes, speaking of Ethan, kachat ko siya kagabi mukhang 2AM na nga kami natapos eh kavivideocall. Miss na niya ako eh? Wala kayong magawa Mahal ko siya, Mahal niya ako.

"Sige. Oo na. Ano ba ginawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo naman. Hindi kami okay ni Dad, kaya pumunta ako dito para bisitahin ka. Naghintay pa naman ako sayo kahapon na pumunta, pero paasa ka eh. Hindi ka sumipot." Sabi niya sa akin.

"Sorry naman po. Dala siguro ng Pagod kaya nakalimutan ko." Sagot ko naman.

"Eh, hindi naman siguro yan ang dahilan eh. Dahil sa Ethan na yun wala ka ng time sa akin." Sabi nito na nagtatampo pa.

"Sos. OA nito, Sissy pa rin naman kita eh. Paano ba ako makakabawi sayo?" Sambit ko.

"Ahmf" Sambit niya at nag-iisip. "Hiwalayan mo si Ethan." Sabi nito sa akin.

Dahil sa gigil ko binato ko sa kanya ang unan ko.

"Baliw! Hindi pwede, Mahal ko yun." Sabi ko at kinikilig pa.

"Eh, paano na ako?" Sabi nito na nagpapaawa pa.

"OA mo?! Syempre Mahal kita noh. Mahal ko kayo ni Chesca eh. Kayo ang Bestfriends ko, Cousins, Partners, Sisters." Sambit ko sa kanya.

"Bumangon ka na nga dyan. Nagpaluto ako kay Manang Marissa ng pancake eh." Sabi nito at tinayo ako nito.

"Feel at home Nicz ha. Parang bahay mo lang. Makautos ka kay Manang mukhang ikaw ang nagpapasweldo sa kanya." Sambit ko sa kanya.

"Kaya ko naman siyang swelduhan eh. Kahit pa bilhin ko pa siya." Sambit nito.

"Ang hangin mo rin eh." Sabi ko at tumatawa pa.

Bumaba na kami sa baba at dumiretso sa kusina. Kung nagtataka kayo kung sino ang kasama ko dito. Syempre si Manang Marissa na. Siya na ang tumatayo kong magulang dito. 2 years old palang ako siya na ang nagiging Yaya ko hanggang ngayon. Si Dad kasi two years na hindi umuwi mukhang busy sa work sa Amerika eh. Habang si Mom naman, wala na daw, patay na daw yan ang sabi ni Dad sa akin. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil alam ko kung gaano nasaktan si Dad sa pagkawala ni Mom sa buhay namin.

"Ay, nandito na pala kayo. Kain na po kayo." Sabi ni Manang Marissa at inilapag ang tapos na niyang nilutong pagkain.

"Thank you po Manang." Sagot ko.

"May gusto pa ba kayong ipagluto ko mga anak ko?" Tanong ni Manang.

"Wala na po Manang. Solve na po kami nito. Thank you po." Sabi ko.

"Okay. Tawagin niyo lang ako kung may gusto kayong ipagawa ko ha. Doon muna ako sa labas." Sabi nito sa amin.

"Sige po Manang. Salamat po." Sabi ni Nicole. "OhmyGad, Namiss ko to!" Sambit nito at sinunggaban ang pancake na luto ni Manang. Grabe talaga ang babaeng ito, patay gutom.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon