Chapter 99: Stolen Kiss

593 24 6
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Papasok na ako sa school ngayon. Sobrang nakakamiss lang kasi eh. Sobrang tahimik ng buhay ko ngayon.

Hindi ko man lang nakikita si Ethan. Simula noong dumating ang parents niya, hindi pa kami nagkikita ulit.

Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko, minuminuto ko nga rin siya tinatawagan pero hindi ito sinasagot.

Hoohh! Sinubukan ko namang puntahan sila sa bahay nila pero hinarang ako ng guards sa subdivision nila.

Ewan ko lang! Bakit gani-ganito nila ako. Bakit sobrang ginigipit nila ako ng Mommy niya.

Hayss.

Pumasok ako sa classroom na sobrang tahimik lang. Napabuntong hininga na lang ako sa bakanteng upuan ni Ethan kung saan siya umuupo. Nakakawalang gana naman ang pangyayaring ito.

Pero paninindigan ko siya. Sabi niya ipaglalaban niya ako. Panghahawakan ko lang yun.

"Hello! Good morning." Biglang pasok na sambit ni Maya na parampa pang pumapasok.

"Good Morning Ms. President." Sambit naman ng mga kaklase ko.

"Wait! I have a good news." Sambit ni Maya at masayang masaya pa talaga.

"Ano yun Ms. Pres?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Engage na kami ni Ethan." Sambit nito at pinakita ang singsing sa daliri niya.

Totoo ba ang naririnig ko. Totoo ba ito? Totoo bang engage na sila ni Ethan? Paano? Paano na ako?

"Talaga congrats."

"Wow! Congrats Ms. Pres kayo talaga bagay ni Mr. Natividad e."

"Miss Pres. botong boto kami sayo para kay Ethan."

"Miss Pres. kailan ang kasalan ang magaganap imbetado ba kami?"

"Miss Pres. Congratulations."

"Maya and Ethan Tandem is back!"

"Congrats deserve na deserve mo si Ethan."

"Thank you so much everyone. Engage na nga kami. Fiance ko na si Ethan, and soon maging husband ko na siya at maging father sa mga anak namin." Sambit nito.

Ano ba to? Bakit sobrang fragile ko bigla ngayon. Hooh! Naramdaman ko na lang ang luha sa mga pisngi ko.

"Pero Ms. Pres paano nangyari yun na engage na kayo ni Ethan? E, girlfriend niya si Eunice diba?" Tanong naman ng isa naming kaklase.

"Well, hindi naman talaga niya mahal si Eunice e." Sambit nito na ikinainis ko.

"Bawiin mo yang sinasabi mo!" Inis na sambit ko at tumayo sa kanya.

"No. Hindi ko kayang bawiin yun dahil yon naman talaga ang totoo!" Sagot nito.

"Ako ba talaga ang niloloko mo Maya?" Sambit nito.

"Hindi kita niloko! Pero totoong ikaw ay naloko! Tanga ka kasi! Alam mo ba bakit? Isa lang naman ang dahilan ni Ethan kung bakit jinowa ka nita e." Sambit nito. "Hindi ka niya jinowa dahil Mahal ka rin niya! Jinowa ka ng fiance ko para lamang gantihan ka sa mga sakit na ginagawa mo dati! YAN ANG TOTOO PARA MATAOHAN KA!" Sambit nito sa akin na ikinainis ko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon