Chapter 17: Comfort

1.1K 35 2
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

PAGBUKAS pa lang sa Facebook account ko o kaya sa messenger ko. Agad agad umingay ito dahil sa mga chat sa mga FB friends ko.

Parang mabibingi na nga ako e. Sa mga notifications, messages na ito. Ang dami at syempre isa na d'un ang new group chat sa group namin.

At ang pinagtataka ko lang bakit ako nakasali dito sa group na'to. Malamang may nag add 'no. Basta dibale na.

*Ting*

Binasa ko ang huling chat sa group chat namin.

Saturday na lang tayo magpractice for the role play. At my house 8AM.

By... Mr. Natividad

Diba! Ang galing ng mokong na 'yun. Dito lang talaga sa group chat nagchat. Ayaw niya kasi sa personal edi go!!

'Yan gusto niya eh.

Okay po. Mr. Pres. Pero, Bakit hindi po bukas?

Tanong ng isa sa kagroup ko.

Busy ako bukas. For the Student Council Office. May aasikasuhin lang very urgent.

Sagot nito. Ay! Oo nga pala nabanggit ni Chesca sa akin si mokong na manhid na King of Bully ng school pala ang President ng Senior High School. pero take note hindi siya bagay maging President dahil sa ugali niya na asal basura.

Makatulog na nga... Ayaw ko mastress sa mokong na manhid na 'yun, na Mr. President na akala niya naman bagay siya maging President sa University for all Senior High School.

Duhhh!! Okeykaayooo...

***

Kinabukasan as usual naman. Pumasok ako ng school na simple lang naman na para bang papasok lang ako dahil bet ko lang. Syempre may pangarap ako 'no. Dapat papasok ako dahil gusto ko pang maabot 'yun.

Pagbaba ko sa taxi nakita ko si maldita girl na si Max na kinaladkad ni Steven. Basta Steven 'yun, yung classmate ni Nicole na may nakalagay na Headset sa leeg niya.

At pumunta sila sa may parking lot ng school. At dahil chismosa ako. Sinundan ko sila. Bahala na, hindi pa naman oras para sa first subject.

"Babe. Steven. Please." Sambit ni Max na nagmamaawa pa.

"Wag mo nga akong hawakan! At wag mo na ulit babanggitin ang Babe na babe na yan." Sambit ni Steven at alam kong galit na siya pero pilit niya lang pinakalma ang sarili.

"Steve. Hindi ka ba masaya, nandito na ako. Mahal mo ako diba. Bakit parang nagbago ka?" Sabi ni Max.

"Alam mo Max. Noon lang 'yun. Noon lang yun na mahal kita! Pero ngayon wala na akong nararamdaman sayo! Wag mo ng guluhin ang buhay ko! Ikaw ang umalis diba! Bakit ka pa babalik?!" Sabi ni Steven kay Max.

Oh my G. Mag Ex si Max at Steven pala. Hindi ko alam kung saan ako maaawa. Kay Max ba dahil pareho kaming babae at ganun-ganun na lang sasagutin ni Steven. o maaawa ako kay Steven, dahil feel ko ang pinagdadaanan niya. Pareho kasi kami e.

Pareho kami ng pinagdadaanan.

"Ikaw. Ikaw ang binalikan ko. Steve. Mahal kita. Please." Sabi ni Max na nagmamakaawa na naman at papunta na nga sa pagluhod.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon