Eunice's POV
♡♡♡
Kasalukuyan kaming nandito sa dining area kumakain ng breakfast kasama ang kasamahan ko dito.
Yes! Wala si Ethan. Diba nga hindi siya nakabalik dito, at pinahatid na lang niya ako dito.
Nakakamiss nga rin siya e. Hindi man lang siya nagtext at tumatawag sa akin.
*DINGGG*
*DONGG*
Biglang tunog ng doorbell dito. Nagkatinginan kaming lima dito.
"Ako na ang magbukas." Presinta ni Kyler at lumabas ito sa dining.
Pinagpatuloy na namin ang pagkain na walang imikan. Kasi naman itong si Steven at Nicole mukhang hindi pa rin sila nagkakaayos. Hindi talaga sila nag-uusap e. Hindi ko sila nakitang nag-uusap gaya ng nakasanayan ko.
"So Tama nga!" Napatingin kami sa boses na yun.
Napatayo kaming lahat dito.
"Tita Stella, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Steven sa babae.
Yes! Alam niyo na kung sino si Tita Stella na Mommy ni Ethan.
"Tama nga talaga ang sinasabi ng iba na nilive-in niyo na ang mga ito!" Sambit nito sa amin at tinuro pa kaming mga Madrigal Sisters.
"Totoo pong nakatira kami sa isang bagay pero hindi ibig sabihin na naglive in na kami." Sabat naman ni Kyler.
"Oh well, Live in parin ang tawag nun Kyler." Sambit ni Tita Stella.
"Ano po ba ang pakay niyo dito?" Tanong ni Steven ulit.
"Nandito lang naman ako para palayain ang mga ito!" Sambit nito at tinuro kami. "Ayaw ko kasing may makapasok na nga mababahong nilalang dito!" Dugtong pa nito at ang sama ng tingin sa amin.
"Excuse me. Sino ka po?" Tanong ni Nicole na mukhang walang kaalam alam sa nangyari.
"Ako lang naman ang ina ni Ethan. Kaya ako sa inyo! UMALIS NA KAYO DITO SA BAHAY NA TO!" Sambit nito sa inis.
"Tita! Hindi naman pwede yun. May parte rin kami dito diba?" Sambit nito sa akin.
"Yes! May parte kayo dito. Pero dapat sinabihan niyo muna kami na pwede kayong magpatuloy ng outsider dito! Dahil pera pa rin namin ang ginastos namin dito." Sambit nito kay Kyler. "Kaya kayong tatlo! Mag-impake na kayo! Umalis na kayo! Lalo ka na!" Sambit nito at tinuro pa talaga ako.
"May kasalanan ba akong nagawa?" Tanong ko nito.
"Tanungin mo ang sarili mo! Mag-impake na kayo! BILIS! BILISAN NIYO!" Sambit nito.
"Wag kang mag-alala aalis naman talaga kami." Sambit ni Chesca. "Hindi naman kami mahirap kausap e." Sambit ni Chesca at tumalikod ito.
"Bastos!" Sambit nito kay Chesca.
"Kung bastosan lang din ang usapan! Makikisali na rin ako!" Sambit ni Nicole at tumalikod ka rin.
"MGA WALANG RESPETO!" Sigaw nito.
"Tita! Hindi ko kasi nakikita sa sarili mo ang salitang RESPETO! Kaya pasensiya na po." Sabi ko at tumalikod para magpunta sa kwarto.
Pagbukas ko ng kwarto ito na nga. Todo ligpit na kami sa mga gamit ko para makaalis sa bahay dito. Hindi ko alam kung Bakit ganyan siya sa akin? E, wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Novela Juvenil"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
