Eunice's POV♡♡♡
Sinundo nga ako ni Ethan sa condo at sumakay na rin ako sa kotse niya. E, kaysa naman matraffic edi sasakay na lang kay Ethan.
Sa kalagitnaan ng pagbabaktas namin papuntang Thomas University.
"Papasok ba tayo ngayon?" Tanong sa akin ni Ethan habang nakatingin ito sa kalsada.
Nagtataka nga ako kung bakit tinatanong pa niya yan. "Syempre, papasok. Bakit mo naman naitanong?" Sambit ko at sabay tanong na rin.
"Baka kasi gusto mo akong masolo." Sambit nito na may pangiti-ngiti pa ito.
"Ang pangit mo!" Sambit ko lang at umiwas ng tingin.
Loko loko rin pala itong Ethan e.
"Dibale ng pangit basta maswerte ako sayo. Ikaw kasi ang nagpapapogi ng buhay ko." Banat naman nito. Anong nangyari sa taong to.
"Ewan ko sayo. Naiistress ako sayo." Sambit ko at umiwas na rin ng tingin at tumahimik na lang.
"Huling tanong? Papasok ba tayo o hindi?" Tanong na naman niya sa akin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na papasok nga tayo." Sagot ko sa kanya.
"Okay. Sure ka na ba? Hindi na ba magbabago ang isip mo? Hindi mo ba gusto masolo ang boyfriend mo? Alam mo naman malakas ako sa mga---"
"ANG HANGIN MO! MASYADO KANG MAYABANG SA FEELING MO." Sambit ko sa kanya na pasigaw.
Tumahimik siya bigla at hindi na nagsalita.
Anong nangyari?
"Bakit ka tumahimik?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot kusa lang siyang nagfocus sa pagdrive.
May nasabi ba akong Mali. Wala naman siguro 'diba. Ano bang nangyari sa kanya?
☆☆☆
Hanggang dumating kami sa University, hindi talaga siya nagsasalita may tupak siguro ang lalaking 'to.
Bumaba na ako sa kotse niya at bumaba na rin siya. Nauna pa siyang naglakad kaya sumunod ako sa kanya. Ano bang nangyari sa mokong na 'to.
"Ethan? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya ng sa ibang direksyon siya nagtungo.
Hindi talaga ako sinagot ni mokong kaya sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa Student Office nila.
Pagbukas ng pinto niya--
"HAPPY BIRTHDAY MR. PRESIDENT ETHAN NATIVIDAD!"
Sambit ng mga kasama niyang officers dito and take note may pakumpete pa.
What?! Yes. Birthday ni Ethan ngayon? Bakit hindi ko alam. Bakit parang ako pa ang nasurprise ngayon. Tiningnan ko si Ethan ngumiti naman ito pero kita parin ang lungkot sa mata niya.
"Happy birthday Mr. President. Ito po ang regalo namin sayo." Sambit ng mga kasama niya at binigay ang mga regalo nila kay Ethan.
"Before tayo pumasok sa mga kanya kanya nating class. Groupie muna tayo," Sambit ni Mirriam yung Secretary nila dito. "Ahmf! Eunice sama ka. Tabihan mo si Mr. Pres." Sambit pa nito sa akin.
Tiningnan ko si Ethan pero umiwas ito ng tingin. Ay! Di niya siguro gusto makasama sa picture ang Girlfriend niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/150331116-288-k198525.jpg)
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...