Chesca's POV♡♡♡
Saturday ngayon, at kasalukuyan kaming busy ng mga Sissy ko ngayon.
Ang dami naming tatapusin na school works para makatake kami ng examination next week. Alam niyo naman ang nangyari sa kanila diba? Dahil sa suspension sila ay dapat magcomply ng mga requirements at masubmit ito para makapagtake ng exam.
Ako naman ito. Busy rin sa research paper ko inedit ko lang naman ang iba eh. Buti na lang talaga may naiwan akong files at copy sa phone ko kaya pinatransfer ko na lang sa laptop ni Kyler.
*Dinggg*
*Donggg*
"Kyler. Pakibuksan mo nga ang gate baka si Miko na yun." Sambit ko kay Kyler na nasa harapan ko.
Yes! Nasa harapan siya ngayon sa dining area. Dito ko kasi gustong pumwesto eh. Si Nicole naman nasa kwarto namin. At si Eunice at Ethan nasa sala ngayon gumagawa ng mga output na dapat ay maipasa na.
"Bakit mo pinapunta si Miko dito?" Kunot noong sambit ni Kyler sa harapan ko.
"Syempre kailangan ko ng tulong niya." Sabi ko at umirap at tinuon ang pansin ulit sa laptop.
"HOHHH! HIRAP!" Sambit nito bago tumayo.
"WOW! HIYANG HIYA NAMAN AKO SAYO!" Sigaw ko sa kanya na ikinatakbo niya sa front door.
Bwis*t? Siya pa talaga ang nahihirapan? Eh, wala nga siyang ginagawa diba. Bwis*t lang.
Nagpatuloy na akong sa ginagawa ko. Kailangan ko tong tapusin dahil magpapaturo pa ako kay Miko sa Gen Math na subject namin. Alam niyo kasi kahit hindi kami magkaklase ni Miko, pareho naman kami ng teacher sa Gen Math.
Kaya sobrang saya lang kasi si Crush hindi lang kasi mahilig sa bola, mahilig pa sa book, at matalino pa sa Math. Mas matalino pa nga siya sa akin eh.
Hehehe
"Chez. Ito na ang pinabili mo." Sambit ni Miko at ibinigay ang supot na naglalaman ng tempura at fishball.
"Thank you Miko." Sabi ko sa kanya.
"Ano tapos ka na?" Tanong ni Miko sa akin.
"Hindi pa nga eh. Inedit ko pa ang Methodology pero saglit na lang to." Sabi ko.
"Patingin nga." Sabi niya at tumabi sa akin.
"Ikaw ba? Tapos na kayo sa research paper niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Yes! Tinapos ng partners ko." Sabi nito sa akin.
"Sino pala partners mo diyan?" Tanong nito sa akin.
Sasagot na sana ako ng sumingit si mokong.
"Ako? Ako ang partners niya. Partners kami in research, in study. Partners kami in crime. Partners kami sa totoong buhay!" Sambit ni Kyler at umupo sa harapan namin.
"Ahh. Okay." Sagot na lang ni Miko.
"By the way Miko. Baka gusto mong kumain? Share tayo?" Tanong ko kay Miko at inalok ang pagkain na pinabili ko.
"Wag na. Binili ko naman talaga yan para sayo." Sabi nito at ngumiti pa sa akin.
"Sira." Sabi ko at umiwasng tingin.
"Ahermm." Sambit naman sa lalaking nasa harapan namin. "Bakit mo binilhan si Chesca ng pagkain?" Tanong ni Kyler kay Miko.
"Hindi po ako binilhan? Nagpabili ako!" Sabi ko sa kanya at umirap.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Roman pour Adolescents"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...