Chapter 77: Maggie

698 29 12
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

"Si Steven?" Sambit ko na tanong ng makapasok ako sa dining area.

"Si Steve. Umalis na, may practice pa daw sila sa Music Club nila." Sagot ni Kyler.

Ahh. So iniwan niya ako? I mean iniwan si NheVen.

"Bakit mo siya hinanap?" Nakangiting sambit ni Kyler.

"Ahmf! Diba nga nasira ang guitar, so ito ipapahiram ko muna si NheVen." Sagot ko.

"NheVen?  Nicole at Steven?" Sambit naman ni Ethan na ikinairap ko.

"By the way. Ibigay niyo na lang tong guitar ni Steve." Sabi ko at ibinigay kay Ethan pero hindi ito tinanggap.

"Kaso may dadaanan pa kami eh. Pupunta pa kami ng Obra Gallery ni Eunice." Sagot ni Ethan.

"Yes. Hindi pwede Nicz. May pupuntahan pa kami." Sang-ayon naman ni Eunice at sumubo ng pagkain.

"Ikaw Kyler. Friends kayo diba?" Sabi ko naman ni Kyler.

"May practice pa kami eh. Didiretso na ako sa Court." Sagot ni Kyler na ikinairap ko.

"So? Ganun. Kaibigan ko ba kayo?! Ako ba walang practice? Meron din ako Hoy!" Sambit ko sa kanila.

"Alam mo Nicz. Friends naman kayo ni Steven diba? So, ano bang masama?" Sabi ni Chesca.

"Oo na. Friends kami pero may practice din kami noh. Kaya please lang, kayo na ang magbigay nito." Sambit ko.

"Ikaw ang naka isip, ikaw ang gumawa!" Sambit nila sa akin na ikinairap ko.

"FINE! MAGHIHIWALAY RIN KAYO!" Sigaw ko sa kanila bago umalis sa harapan nila.

Paano ba to? Bahala na. Ibibigay ko lang naman to diba? Kaya edi go!

Wala akong ganang kumain sa mga bwis*t na mga taong yun. Kaya aalis na ako dito! Lalayas na ako dito, dadalhin ko na ang mga gamit ko dito. Lalayas na ako!

"Nicz, sumabay ka na sa amin ni Kyler." Alok ni Chesca sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi sinagot.

"Grabe naman to si Nicole. Galit ka ba?" Sambit naman ni Kyler habang hawak ang kamay ni Chesca.

"Maghihiwalay rin kayo!" Sambit ko sabay flip hair at umalis.

Kaya ko ang sarili ko. Kaya ko ang sarili ko kaya hindi ko na kailangan ng tulong nila. Kaya ko, okay? Kaya ko ang sarili ko.

Nang may dumaang taxi sumakay agad ako nito. Alangan naman na maglalakad ako eh, sobrang layo nga ang Thomas University dito eh.

Duhhh!!

****

@Thomas University Entrance Gate

"Dito na lang po." Sabi ko kay Manong Driver at binayaran siya.

Bumaba na ako habang hawak si NheVen.

Syempre, ibibigay ko pa ito kay Steven.

"Nicz." Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Mira. Buti nandito ka, pakisamahan mo naman ako." Sambit ko.

"Okay ba. Saan ba punta mo?" Tanong nito sa akin.

"Sa music room, idadaan ko lang to si NheVen kay Steven bago tayo pupunta sa practice." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Sige tara na." Sambit niya sa akin at hinila pa ako ni loko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon