Chapter 27.1: Force Date

1.1K 30 1
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

NAPABUSANGOT na lang ako na nakalinya dito sa cashier area. Bwis*t nga e, ginawa pang motel ang fitting room na dito.

"Nicz. Punta mo na ako sa National Bookstore." Sambit ko kay Nicole.

"Okay. Tutal yan naman ang magpapasaya sayo." Sabi nito na nagsusurf sa internet niya.

"Yes. Books lang talaga ang nagpapasaya sa akin. Not him, not you!" Sambit ko sa kanya na nagpabusangot sa kanya.

"Grabe ka naman. Wala na ba kaming halaga ni Eunice para sayo." Sabi nito at nagmamakol pa.

"O.A mo.... Basta puntahan mo na lang ako. MAGPAPAGALING, MAGPAPAHANGIN, AT LALAYO PARA HINDI MAHAWAAN NG SAKIT!" Sambit ko at enimpasize ko pa talaga ang huling mga salita ko, dahil nandito kasi si Kyler the manyak kasama ang babaeng linta.

"Nagpaparinig ka ba?" Tanong ni girl na Cindy daw. Cindymonyo.

"No. Wala akong binanggit na pangalan. Wala akong pinariringgan. Pero kung feel mo na ikaw 'yun. Congratulation." Sabi ko sabay walk out.

Bahala siyang magalit sa akin. Nakakatawa naman si Cindymonyo.

Papasok na sana ako sa National Bookstore ng biglang may humatak sa akin.

"ANO BA BITAWAN MO AKO!" Sigaw ko.

Pero nakakaloka hindi man lang ako binitawan at ang mga chismosang mga tao dito ay tumitingin lang sa akin at hindi man lang ako tinulungan.

"BITAWAN MO AKO SABI! TULONG!!" Sigaw ko pero hindi talaga tumalab ang mga sinasabi ko. Hindi ko kaya ang higpit mg hawak niya. "SAAN MO BA AKO DADALHIN! BWIS*T KANG MOKONG KA!" Sigaw ko.

Bahala ng sabihin akong baliw. Mas baliw pa nga ang mga tao dito dahil hindi man lang ako tinulungan.

Kinaladkad niya ako papunta sa garahe mg mall kung saan nakapark ang sasakyan niya binuksan niya ang pinto.

"Pumasok ka na?" Sabi nito.

"AYAW KO!" Sagot ko sa galit.

"Kung ayaw mo edi hahalikan kita." Sabi nito at kumindat pa.

Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok. My Gosh? Ayaw ko ng pangalawang halik galing sa kanya. Siya na nga ang nakakuha mg first kiss ko tapos siya pa ang second kiss.

Hays.. Hindi pwede 'yun.

Pumasok na rin siya sa driver seat. At alam niyo na siguro kung sino diba. Si Kyler Alfonso ang dakilang manyak.

"ANO BANG PLANO MO?!" Sigaw ko na tanong sa kanya.

"Feel ko kasi nagseselos ang girlfriend ko kaya ito mag date tayo." Sabi niya at kumindat sa akin at ako naman nagpipigil sa galit.

Gusto ko ng suntukin na naman siya.

Pero ayaw ko na.

"Magseatbelt ka na Babe." Sabi niya sa akin.

"Ayaw ko." Sagot ko.

"Edi kung ayaw mo, ako ang magseseatbelt sayo." Sabi nito at akmang siya ang gagawa nito.

"Wag na. Ako na." Sabi ko na hindi siya tiningnan.

Maya-maya pa, nagstart na siya sa pagmamaneho. Pero ako tahimik lang dahil sa force date na 'to.

Ayaw ko, Binibwisit na nga niya ang weekdays ko, pati pa naman ang weekends ko.

*KRINGGGGGG*

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon