Eunice's POV♡♡♡
Napatawa na lang kami na tingnan sina Chesca at Kyler na dinakip at pinosasan ng dalawang lalaki.
Grabe yung mukha ni Chesca, hindi na maipinta eh. Galit na galit na, at nanghingi pa ng tulong sa amin.
"Saan kaya yun sila dadalhin?" Sambit ni Mira.
"Sa Marriage Booth." Sagot ni Miko.
"Bakit mo alam?" Sambit ni Drake namam kay Miko.
"Eh, nagpatulong yung isa eh." Tugon naman ni Miko.
Speaking of nagpatulong ang isa. So pinagplanohan nga. At si Miko ang kinunsyaba ni Kyler para makasal sila sa Marriage Booth.
"Pinagplanuhan?" Tanong ko sa kanya.
"Medyo." Sambit nito at tumawa pa.
Grabe! Kawawa naman si Chesca. At ang hinayupak na Kyler na yun, hindi man lang pinaalam sa amin.
Para matulungan namin si Chesca na hindi matuloy ang kasal nila. Kami ang tututol sa pagmamahal nila, lalo na't force wedding lang yun, at hindi kami inimbeta.
Waaaaaahhh!
"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Nicole.
"Sa Horror Booth." Sambit naman ni Ethan na ngumiti pa.
Horror Booth? Nakakatakot ba yun? Horror Booth talaga?
"Ano game?" Tanong ni Ethan.
"GAME!" Sambit namin lahat.
"Wait lang guys. Kayo muna pumunta sa Horror Booth. Pupuntahan ko lang ang dalawa." Sambit ni Miko at umalis.
Pupuntahan ang dalawa. Malamang sina Chesca at Kyler ang pupuntahan niya.
"Let's go!" Sambit ni Mira at naunang naglakad.
Sinundan namin si Mira, sahil siya ang tour guide namin ngayon. Hehehe. Joke lang.
Pero nakakaloka? Ang daming tao dito ha. Sobrang daming tao siguro gusto nila yung mga horror na face.
Pero nakapagtataka ko lang? Bakit kailangan pa silang pumasok sa horror booth. Eh, mas horror pa nga ang mga mukha nila dahil sa mala drawing book na make ups.
"Pasok na yung anim." Sambit ng bantay sa horror booth dito.
Pero hindi pa turn namin. Nakalinya pa kasi kami dito, syempre may nauna dapat paunahin. Hindi na natin dapat ipagsiksikan ang sarili natin dun
"Baby ko. Restroom muna ako ha." Sambit ni Ethan.
"Sige, bilisan mo ha." Sabi ko naman sa kanya na ikinatango niya.
"Nakakatakot naman." Sambit ni Mira. Hindi pa nga kami nakakapasok takot na siya.
"Hindi naman siguro." Sambit ni Drake.
"Mas matakot kayo sa mga mukha ng stupidents, ang kakapal ng make ups." Sambit ko.
"Mukha nga. Dapat matakot tayo sa kanila." Sabi naman ni Nicole at tumawa pa.
"Next!" Sambit ng bantay dito at pumasok na ang anim.
Hala? Kami na ang susunod pero bakit wala pa si Ethan.
Palingon lingon ako at hindi mapakali. Ethan asan ka na ba? Nasaan ka na? Nakakabwisit rin yung lalaking yon eh. Sinabihan na nga na bilisan, pero hanggang ngayon wala pa.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Novela Juvenil"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...