Chapter 11: Insulto

1.4K 41 4
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

PUPUNTA ako ngayon sa room ni Eunice kailangan ko lang magpaalam sa kanya na mauna na ako sa condo dahil sobrang stress ako ngayong araw dahil kay mokong na 'yun.

Si Nicole naman ayon umuwi sa condo dahil wala na daw siyang ganang pumasok dahil sa nangyari sa kanila ni Mr. Headset na hindi sila makakapasok kung walang detention slip.

Sa paglalakad ko nakasalubong ko ang classmate ni Eunice slash mortal enemy niya. Napahinto ako dahil si Mr. Manhid 'to.

Sinamaan niya ako ng tingin bago nagsalita. "Tumabi ka nga diyan." Supladong sambit nito sa akin. Napalingon naman ako sa paligid.

"Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nakakasagabal at ako pa talaga ang dapat mag-adjust sayo? Ikaw ang nakaisip, edi ikaw na rin and gumawa." Pagtataray ko naman sa kanya.

"Hoy! Ikaw pareho kayo ng pinsan mong broken-hearted na todo nakikialam ng buhay ng iba. Kabago-bago niyo lang dito tapos 'yan ang inaasta niyo sa original students dito!" Sabi nito sa akin.

"Original students? So fake kami 'yan ba ang gusto mong sabihin? Na we are fakes. E, sa totoo lang hindi naman kami makikialam kung wala rin namang nakikialam sa mga buhay student namin." Sagot ko sa kanya.

"Kilala mo ba kung sino ang sinasagot mo?!" Inis na tanong niya.

"Hindi ako manghuhula but sa pagkaka-alam ko manhid ka daw, walang paki-alam kung ano ang nararamdaman ng iba." Sagot ko.

"Are you insulting me?!" Tanong na inis niya ulit.

"Sorry kung na insulto kita. But no! I'm not insulting you. Nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot ko sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Kayong mga Madrigal wag kayong maangas dito. Hindi niyo talaga ako kilala. I'm the Student President of Senior High School Department of this university!" Sabi nito sa akin.

Napalaki ang mata ko ngunit binawi ulit ito.

"Kung ikaw ang Student President of this Senior High School Department. Siguro dapat ka nang palitan. I think kasi hindi bagay sayo of that position. Your so immature, walang leadership akong nakikita puro katarantaduhan ang iyong ginawa." Sabi ko sa kanya na ikinausok ng ilong niya.

"HINDI MO AKO KILALA! KAYA WAG KANG MANG-JUDGE NG HINDI MO PA KILALA! WAG MONG INSULTUHIN ANG POSISYON KO AT PAGKATAO KO! HUMANDA KA SA AKIN!" Sabi niya na tinaasan na ako ng boses bago umalis napalingon naman ako kanya na badmood na naglalakad.

Sorry. Pero mali ang binabangga niya. Yes! Mahihin ako pero I will transform to be mataray kung magsusubukan.

Hindi ko na pinatagal ang sadya ko. Yes! Hindi pa pala tapos ang class nila, ngunit si Mr. Manhid saan kaya 'yun pupunta? Bakit lumabas na hindi pa tapos ang klase?

Nagpaalam agad ako kay Eunice at lumabas na ako ng campus. Kailangan kung magpahinga sobrang stress na talaga ako ngayon, dumagdag pa si Mr. President.

*****

Eunice's POV

♡♡♡

Kasalukuyan akong nag-aayos sa gamit ko dahil uwian na. Ewan ko nga kung bakit si Mr. Manhid umalis lang ng walang paalam kahit nagdidiscuss pa kami.

Nagpaalam na din si Chesca sa akin kanina na mauna na siyang umuwi sa condo unit namin. Si Nicole naman kanina pa yun walang ganang pumasok dahil sa nangyari nga sa kanya.

Nang matapos kung niligpit ang gamit ko kinuha ko na ito at lumabas.

"Saan si Chesca?" Tanong agad ni Kyler sa akin hindi ko man lang siya napansin na nandito pala siya.

Dapat sasagutin ko sana siya ng napatawa na lang ako bigla sa mata niya, nagkablack eye kasi e.

Hahaha

"Bakit ka tumawa?" Tanong nito.

"Ahmf! Nakalimutan mo sigurong magsunglasses." Sagot ko sabay tawa.

"No! Hindi ko nakalimutan magsuot. Nasaan ba si Chesca?" Sabi niya sa akin.

"Si Chesca ba. E, ano bang paki-alam mo?!" Pagtataray ko sa kanya sabay irap.

"Magpinsan nga kayo." Sabi nito sa akin.

"Hindi lang magpinsan. We are sisters. But hindi lang basta magsisters sobrang ganda pa." Pagmamayabang ko sabay hair flip sa kanya.

"Wow! Mahangin rin pala ito." Bulong niya sa sarili niya.

"Kung nagpaparinig ka. Sabihin mo sa akin, wag yung pabulong-bulong." Sabi ko sabay talikod.

"Sandali lang." Sabi at hinawakan ang braso ko tinanggal ko ito at hinarap siya.

"Ano?!" Sabi ko at tinaasan ng kilay.

"Can I ge her number. Chesca's phone number." Sabi nito.

"Kukunin mo ang number niya, tapos magtetext at tatawag ka, tapos magugulat siya, tapos kukulitin mo siya, tapos papansinin ka na lang ni Chesca para huminto ka, tapos 'yun magkwekwento ka tungkol sa buhay mo at 'yung si Chesca naman gagawin mong tanga, tapos magpapauto siya sayo, pakikiligin mo siya, magsesend ka ng mga kilig quotes at pick up lines, tapos 'yon mahuhulog si Chesca at sasaluhin mo naman, at nanligaw ka, sinagot ka niya, tapos naging kayo, tapos pinapangakuhan, tapos iiwan mo rin siya." Mahabang sagot ko sa kanya habang siya naman kumunot na lang ang noo sa mga sinabi ko.

"Grabe ka naman." Sabi nito sa akin.

"Ganyan kasi kayong mga lalaki! Mga PAASA paulit ulit na nangangako ngunit napapako!" Inis na sambit ko sa kanya.

"Wag mo naman lahatin ang lahat ng lalaki Eunice. Hindi naman kami magkatulad ng ex mo." Sabi niya sa akin.

"Hindi ko nilahat pero parang ganu'n na nga. Mas mabuti ng naninigurado." Sabi ko.

"Nanghihingi lang ako ng number ni Chesca ang dami mong sinasabi. 11 digits lang naman yun." Sabi niya na nagmamaktol.

"Alam mo Kyler. Balita sa buong university isang Playboy the ultimate Playboy ka raw! So, before mo pa mabiktima si Chesca nakaresbak na ako. Sorry pero ayaw namin sa mga manloloko na katulad mo!" Sabi ko sa kanya at tumalikod na sa kanya.

"Edi kung ayaw mo. Edi wag! Akala mo naman ikaw ang nagluwal sa kanya." Sambit pa niya kahit tumalikod na ako.

Humarap ako sa kanya at nagsalita.

"0975 IKAW NA ANG BAHALA SA PITO! Okay masaya na!" Sambit ko sabay takbo dahil sa tuwa.




To be continued....



The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon