Eunice's POV♡♡♡
GALIT na galit akong umuwi sa condo unit ko dahil sa mokong na 'yun. Nakakabwisit kasi 'yung Ethan na 'yun.
E, alam naman niyang may practice kami, pero ayon pinaligo pa sa pool nila ang plastic naming classmates.
Bahala sila d'un.
Kumatok agad ako sa pinto at bumungad ang mukha ni mokong na Kyler na 'to.
"Nandito ka pa?!" Bungad na sabi ko sabay pasok sa condo, hindi siya sumagot. "ANO BANG GINAGAWA MO DITO?! BAKIT ANG KALAT-KALAT DITO! NAHIHIBANG KA NA BA?!" Sigaw ko kay Kyler ng makita ko na ang kalat sa living room namin. Ang daming chichirya, may mga canned na beer pa at bottled ng yakult.
"BAKIT MO GINAWANG BASURA ANG CONDO NAMIN! LINISIN MO YAN!" Sabi ko at pinuntahan si Chesca sa kwarto niya.
Pero bago 'yun kumatok ako dahil nakalock ito, binuksan niya naman ito agad.
"Chesca, bakit mo hinayaan na magkalat ang mokong na 'yan dito?!" Bungad na tanong ko kay Chesca na may gigil talaga. "Tyaka ano bang ginagawa mo diyan?" Dugtong kong tanong ko ulit.
"Eunice, bahala na siya d'yan. Basta gusto ko lang hindi ako magulo sa ginagawa kong research." Sabi nito at sinirado ang pinto, kaya wala akong nagawa.
"HOY! LINISAN MO YANG KALAT MO HA! KUNG AYAW MONG TAWAGIN KO ANG GUARD AT IPAKALADKAD KA PALABAS!" Sabi ko at pumasok sa kwarto ko.
Nakakastress kasi. Stress na nga ako sa Ethan na 'yun, dumagdag pa ang Kyler na to na nagkakalat.
Makatulog na nga.
******
Nicole's POV
♡♡♡
3PM na ngayon at wala pa kaming lunch nagugutom na nga ako. Pero sa bwis*t na punishment na 'to napasubo pa akong maging janitress. Bwisit.
Kailangan ko makatakas dito?
"Hoy! Wag kang umalis diyan ha. Bibili lang ako ng tubig. Baka mapapagalitan pa ako ni Ma'am Rissa." Sambit ni Steven sa akin at napairap na lang ako.
E, ano ba'ng paki-alam niya. May plano ba ang dalawang 'to para pahirapan ako?
"Kung nagtatanong ka. Oo! Pinababantayan ka ni Ma'am Rissa sa akin dahil baka daw tumakas ka! Kaya dedesiplinahin ka niya." Sabi nito sa akin.
Ano ba 'to. Kapag siya pwede, tapos ako ang bibili hindi?! Hays! Hindi pwede 'yun. Hindi naman siguro ako masyadong mabait para sundin ang utos niya.
Kaya ngayon, sinundan ko siya ng makaalis siya. I know na pupunta siya sa canteen.
Maya-maya pa nakarinig ako ng tugtog. Wait? May party ba? May disco?
"Oh my Gosh. Audition pala ngayon." Sambit ko sa sarili ko at tumakbo sa University Court.
Nang nasa Court na ako. Ang daming ng nakalinya. Hays.
Mag-aaudition ba ako?
Pero paano na 'to? Ang dungis-dungis ko.... Pero okay na 'to.
"Okay! Straight line properly please." Sambit ng lalaki na may pusong babae ito na parang ina-assist sila.
Napatingin siya sa akin at ngumiti na lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/150331116-288-k198525.jpg)
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...