Chapter 59.2: Pagtataka

753 28 22
                                    


Nicole's POV









5AM ng madaling araw ng magising ako. Yes, hindi ko nga alam kung bakit ang aga ko magising eh. Hindi na siguro importante na magpaliwanag sa inyo. Dahil alam ko naman hindi kayo sanay na magising ako mg maaga kahit sa school nga late ko dito pa kaya.

Pero, hindi kayo nanaginip sahil totoo ito. Nagising ako ng maaga. Makapagjogging na nga.

Nagbihis ako ng jogging outfit ko at nagdala ng maliit na towel dahil magpapawis ako. At syempre nagsuot ng sport shoes ko at lumabas na sa kwarto ko.

"Saan ka pupunta?" Bungad na tanong ni Dad sa paglabas ko. Nakasalubong ko kasi siya eh, siguro pupunta na rin siya sa baba.

"Ahmf! Magjojogging lang sana." Sagot ko.

"Sinong kasama?" Tanong nito.

"Ahmf! Ako lang po. Syaka hindi naman ako lalayo, hanggang sa kanto lang naman ako nina Eunice tapos balik agad dito." Sagot ko.

"Okay. Basta mag-ingat ka." Sabi nito at bumaba na sa hagdan.

Napabuntong hininga na lang ako. Akala ko kasi papagalitan ako. At thankful ako na nagkausap na kami ni Dad. Syempre may tampo pa rin sa mga sinabi niya, pero wala akong magawa eh Dad ko siya dapat tanggapin lahat ng sasabihin niya.

Bumaba na rin ako at lumabas ng bahay at pinagbuksan naman agad ako ni Manong Guard ng gate para makapagjogging.

Sinimulan ko ng magjogging ng 5:17 AM.

Jogging...

Jogging...

Jogging...

Jogging...

Jogging...

Sa totoo lang, namimiss ko ang pagjojogging. Nakakamiss rin kasing maging fit at diet.

Dahil ngayon kasi wala na akong time na magwork out kasi naman busy ako sa study ko. Ang dami mga projects, assignment, reports, and research yan naman ang priority ko ngayon. Yes, wag kayong lumaban sa akin. Hindi niyo kilala sarili ko. Wala kayong karapatan na sabihin sa akin na sinungaling at masama ugali ko. Kahit ganito ako may alam din ako sa study noh.

"OUCHHH!" Sigaw ko ng natapilok ako.

"NICOLE! OKAY KA LANG?" Sambit ng lalaki ng makalapit sa akin.

"Sa tingin mo ba?! Okay lang ako! ARRAY KO! Sakit ng paa ko." Pagtataray ko at sabay hawak ng paa ko.

"Nicole?! Saan pa ang masakit?" Tanong na naman ni Drake.

"MALAMANG SA PAA! HAWAK KO DIBA!" Sigaw ko sa kanya sa inis. Tanga kasi eh.

"Teka lang. Baka nabigla lang yan, natapilok ka lang." Sabi na naman nito.

"BWIS*T KA! TULUNGAN MO NGA AKO? WALA KA BANG BALAK TULUNGAN AKO?!" Sambit ko sa kanya.

"Ay, sorry. Kakargahin kita. One, Two, Three." Sambit nito at inangat ako. Kaya napahawak  ako sa leeg ni Drake.

"Saan kita dadalhin?" Tanong na naman nito.

"Malamang sa bahay na lang nina Eunice. Malapit na dito eh?!" Pagtataray ko. Nakakabwisit kasi ang pagiging matanong niya.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon