Chapter 38: Pag-aalala

1.1K 39 11
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

NAGISING ako ng maaga dahil magluluto pa ako ng agahan. Alam niyo naman buhay estudyante dapat responsible.

Niluluto ko lang naman ay adobong manok na favorite namin. I mean sa akin paborito ko, iwan ko lang sa dalawang 'yun, pagkatapos kong magluto, naligo agad ako para hindi na mahuli sa klase.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa lumabas si Chesca. E, palaging nauuna pa nga 'yun gumising sa akin. Pero ngayon, hindi pa lumabas ng kwarto niya.

Kaya nagpasya akong pumasok sa kwarto niya na wala ng katok katok dahil sobrang taka ko talaga.

Nakita ko siya na nakakumot dito na para bang giniginaw. Nilapitan ko siya, akala ko tulog pa pero gising na pala.

"Chesca. Gising na. Late ka-- Oh my Gosh! Ang init mo.... Nilalagnat ka." Taranta ko ng maramdaman ko ang init ng katawan niya ng hawakan ko ang leeg niya.

"Eunice. Pakisuyo naman oh. Ikaw na lang ang magbigay ng flashdrive kay Kyler, sabihin mo na ipass ito kay Ma'am Donna." Sambit nito sa akin na nanghihina.

"What?! No! Hindi ako papasok kung ganyan ka, mas kailangan mo ako dito.... Dito lang ako aalagaan kita." Sabi ko at lumabas ng kwarto para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo.

Pinunasan ko siya at nilagyan nga ng bimpo ang noo niya. Maya-maya pa kumuha ako ng pagkain niya para makainom ito ng gamot.

"Eunice, papasok ka ba ngayon?" Tanong nito ulit.

"Sa tingin mo ba, papasok ako kung ganyan ka? Chesca, hindi ko ipagpapalit ang health mo sa pag-aaral ko." Sabi ko sa kanya.

"Okay na naman ako... Pero sige na please.... Para sa research paper lang namin, alam mo nama siguro kung gaano kaimportante para sa akin ang study 'di ba?" Sambit nito.

"Pero---"

"Sige na please.... Ibigay mo lang kay Kyler ang flashdrive at sabihin mo na ipapasa na lang kay Ma'am Donna." Sambit nito.

"Sige na, papasok na lang ako but I can't promise na hindi ako uuwi ng maaga. Baka nga ibibigay ko lang 'yan, tapos uuwi na rin agad ako para maalagaan ka." Sabi ko na ikinatango niya.

Kaya kinuha ko na lang flashdrive niya at nagbihis ako para makapasok na ng school.

Pero before akong umalis, minamake sure ko muna na tapos na si Chesca kumain at nakainom na ito ng gamot.

***

Nasa labas pa lang ako ng Thomas University entrance gate ng makita ko si Kyler at ang girlfriend niya na si Liyra at ang linta kumakapit talaga ng mahigpit.

"Kyler!" Sambit ko, napalingon sila at napahinto na tiningnan ako.

"Bakit?! Ano na naman ba ang kailangan mo sa boyfriend ko?!" Taas na kilay na tanong ni Liyra sa akin.

"Wala ka na d'un! At syaka tumahimik ka na lang din dahil hindi ikaw ang kailangan ko." Taas kilay ko rin na sambit sa kanya na nagpatameme sa kanya.

"Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ni Kyler sa akin.

"Ito... Flashdrive nand'yan ang file ng research paper niyo. Chesca's said na ikaw na lang daw ang mag papass sa research instructor niyo." Sabi ko at sabay bigay sa flashdrive, kinuha naman niya ito.

"Nasaan ba siya? Bakit ako ang magpapass ng research paper namin?" Tanong nito sa akin.

"Remember partners kayo, alangan naman ako at alangan naman si Chesca ang papuntahin mo dito, e nilalagnat nga siya ngayon." Sabi ko sabay talikod.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon