Chesca's POV♡♡♡
NAGMAMADALI akong naglalakad papunta sa Senior High School Building o Department namin. Alam ko kasi sinusundan ako ni Mr. Pervert na 'yun.
"Babe hintayin mo naman ang boyfriend mo." Sabi nito na parang pasigaw-sigaw na sa likod ko.
"Babe! Hindi ka ba maaawa sa boyfriend mo. Wag ka ng magtampo." Sabi niya ulit.
"ATTENTION! ATTENTION EVERYONE!" Sambit nito na nagpakuha mg ATTENTION ng mga stupident na naglalakad sa hallway. "GUSTO KO LANG IPAALAM SA INYO NA SI CHESCA MADRIGAL IS MY GIRLFRIEND!" Sabi nito na ikinalaki ng mata ko at hindi ko maintindihan ang mga mukha ng mga stupident hindi kasi ito maipinta.
Galit na galit.
"KYLER ALFONSO!" Nakuha ang attention sa lalaking sumisigaw na papalapit kay Kyler. "ANONG GINAGAWA MO SA GIRLFRIEND KO!" Sigaw na naman ito.
Pero bago pa ito makalapit kay Kyler. Tumakbo na ito at dinamay pa ako sa kabwisitan niya.
"ANO BA BITAWAN MO AKO!" Sambit ko na pilit ginagawa ang kamay ko na hawak-hawak niya habang tumatakbo.
"BILISAN MONG TUMAKBO BABE!" Sabi nito at hila-hila parin ako.
Nang makakita kami ng restroom agad kaming pumasok doon at agad siyang kinompronta.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA?! NABABALIW KA NA BA!? MAY PA GIRLFRIEND-GIRLFRIEND KA PANG NALALAMAN TAPOS NGAYON DINAMAY MO PA AKO SA KAG*GOHAN MO!" Pasigaw ko na Sambit sa kanya dahil sa na bwis*t na ako sa kanya.
"Shhh.. Wag ka nang maingay.... Baka marinig ka nila, parating na sila dito." Sabi ni kokong na 'to.
"WALA AKONG PAKI-ALAM! SANA NGA MARINIG AKO PARA-------------"
What?!!!
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Seconds niya akong hinalikan. No!!! FIRST KO YUN! YUNG FIRST KISS KO!
"Diba. Natahimik ka rin." Nabalik ako sa realidad sa boses na yun.
*BOOOGSH*
"OUCH!" Sigaw niya sa sakit.
Isang suntok ang ibinigay ko sa sinikmura ko siya.
"FIRST KISS KO YUN! NINAKAW MO ANG FIRST KISS KO!" Sabi ko at sabay lumabas sa restroom na 'yun.
Ang first KISS ko ninakaw ni mokong na 'yun. Ninakaw ng mortal kung kaaway. Ninakaw sa manyak na 'yun.
Nagpatuloy ako sa naglalakad na wala sa sarili.
"Chesca okay ka lang?" Tanong ni Eunice ng naabutan niya ako sa hallway.
******
Eunice's POV
♡♡♡
Nauna na akong umalis kay Nicole sa Student Council Office. Kaya pupunta na ako ngayon sa classroom ko. Naglalakad na ako sa hallway ng makita ko si Chesca na naglalakad rin pero wala ito sa sarili, nilapitan ko siya.
"Chesca okay ka lang?" Tanong ko kay Chesca ng naabutan ko na wala talaga siya sa kanyang sarili.
"Wala na." Sagot nito na pinagtataka ko.
"Ano? Anong wala na?" Tanong ko ulit.
"Wala na eh. Ninakaw na niya." Sambit na namin nito.
"CHESCA GISING!" Sigaw ko sa tenga niya na nagpabalik sa realidad niya.
"Grabe ka naman Eunice. Ang sakit sa tenga ang boses mo." Sabi nito sa akin.
"E, ano bang nangyari sayo? At ano bang pinagsasabi mong wala na? At ninakaw na niya?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ahmf... Ano... Yung libro ko.... Wala na... Ninakaw kasi. Alam mo naman na mahal ko ang mga libro diba. Sige mauna na ako." Sabi nito na nagmamadali naglakad.
Grabe? Ewan ko ba sa kanya. Hindi ko maintindihan si Chesca.
Pero ano kayang libro ang mawala sa kanya? Ewan ko sa kanya hindi naman ako mahilig sa mga libro na yan.
******
Nicole's POV
♡♡♡
Agad akong pumasok sa classroom ko ng hindi nag-eexcuse me. E, ano naman sa kanila. Pareho lang naman kami student dito 'no. Walang mataas at wala ring nasa baba.
"WOW! AMAZING ATTITUDE MS. MADRIGAL." Pasigaw na pagkakasabi ni Ma'am Celia ang Geography namin.
"Thank you Ma'am." Sagot ko.
"Saan mo natutunan ang ugali na yan. Feeling ko walang school ang nagtuturo ng hindi mabuti. I THINK HINDI KA NAG-AARAL DAHIL ASAL BASURA KA! Hindi ka man lang nag-excuse na papasok ka! Tingnan mo kami? Naglelecture tapos papasok ka na wala man lang excuse me?!" Sabi nito sa akin.
Sa totoo lang sanay na talaga ako sa mga ganito. Nakakairita pero inilabas pasok ko na lang sa dalawang tenga ko.
"Sorry Ma'am I will not do it again." Sabi ko.
"DAPAT LANG! Dahil kung hindi, I will drop you." Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.
Hay naku! May pataas taas pa nang kilay. Akala niya kagandahan. At akala niya sobrang tangkad niya. E, nagmukha nga siyang gasol sa porma niya. Ang liit na nga ang taba pa.
Chaka! Nastress ang kagandahan ko sa kanya. Hays.
To be continued....
A/N:
Kung sensitive ka bumasa ka na lang ng ibang story. Open minded kasi ang hanap ko.
JC Cajoles
![](https://img.wattpad.com/cover/150331116-288-k198525.jpg)
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...