Eunice's POV
♡♡♡
BINUKSAN ko ang pinto at pumasok na nakangiti.
"Oh, ba't ka ganyan makangiti?" Tanong ni Nicole sa akin ng makapasok ako sa condo.
"Wala lang." Sambit ko at panay ngiti pa rin.
Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Oo na, malamig na tubig gaya ni ex na nanlamig.
Sobrang sarap sa feeling na makita ang mukha ng pervert na 'yun. Nakakatawa lang ang mukha niya at dumagdag pa ang black eye niya.
Hehehe...
Pagkatapos kung uminom pumunta ako sa sala kung saan si Nicole nakaupo sa sofa, tumabi ako sa kanya nangumiti pa rin.
"Ano bang nakain mo Eunice? Bakit ka ganyan nakangiti?" Takang tanong ni Nicole.
"Nasaan ba si Chesca?" Sagot ko sa kanya. Diba ganyan ako kagaling, kung may magtanong, tanong rin ang isasagot ko.
"Nasa kwarto niya." Sambit naman nito sa akin na nakatutok ang paningin sa phone.
"Andami ko pa naman ikwekwento sa kanya." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ba ako kasali sa kwentuhan na 'yan?" Tanong nito sa akin.
"Di ka kasali dahil busy ka sa susurf sa social media." Sagot ko. "Ano ba yang sinusurf mo?" Tanong ko sa kanya.
"I just search lang sa pages sa Thomas University kung ano bang pwede kung sasalihan sa school na 'yun." Sagot nito sa akin.
"Okay. Pero feeling ko bagay sayo magcheerleader." Sabi ko sa kanya.
"Bet ko rin 'yan." Sabi niya.
"Pero napag-isip isip ko ngayon lang din, wag na lang.... Wag ka ng sumali sa cheering Squad." Sambit ko na binawi ang suggestion ko agad.
Nakita ko naman ang pagkakunot ng noo niya.
"Bakit naman?" Tanong nito.
"Ayaw kong masaktan ka... Baka kasi ihahagis ka tapos hindi ka sasaluin lalo na sa taong hindi ka mahal." Sambit ko sa kanya na ikinairap niya.
"Sige hugot ka pa. Iba din kapag hindi pa nakamove-on 'no? Move-on din pag may time." Sambit nito sa akin.
"Nakamove on na ako." Sabi ko sa kanya.
"Talaga ba? Pag-usapan nga natin yung past niyo." Sabi niya na parang nanunukso pa.
"Nicole past is past. Kaya dapat hindi na binabalikan, lalo na't kung alam mo na wala ka ng balikan." Sabi ko sa kanya na ikinakunot na naman ng noo niya.
"Ewan ko sayo. Hindi ako makarelate. Pero remember sa history binalikan ang nakaraan kahit masakit pa 'yan." Sabi nito sa akin.
Oo nga naman. Pero ayaw ko na 'no.
Hayss.
*KNOCK*
*KNOCK*
*KNOCK*
Nagkatinginan kami ni Nicole kung sino yung kumatok.
"May bisita ka bang pinupunta dito?" Tanong ko sa kanya.
"Nope. Wala akong bisita na pinupunta, baka kay Chesca. Tawagin ko nga siya." Sagot ni Nicole.
"No. Ako na." Presinta ko at tumayo.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Fiksi Remaja"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
