Eunice's POV
♡♡♡
4PM na ng hapon at pauwi na kami nina Chesca at Miko.
Yes! Diba nga nanliligaw na si Miko kay Chesca. So, ayon. Hatid sundo ang loka.
Sa aming paglalakad sa hallway nakasalubong namin sina Max kasama ang alipores niya.
"My Gosh Miko. Bakit mo kasama ang mga Madrigal Sisters na 'yan. Hindi ka ba aware sa mga kagag*han nila? Ginawa kang tagabuhat nila? Anong nangyari sayo my dear couz." Sambit ni Max na ikinabigla namin.
What? Couz. Ibig sabihin magpinsan sila ni Max na maldita.
"Couz? Magpinsan kayo?" Tanong ni Chesca kay Miko.
"Oo." Sagot naman ni Miko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ni Chesca.
"E, hindi ka naman nagtatanong diba? Kaya hindi ko sinabi." Sabi naman ni Miko na parang inosente lang ang dating.
"Akin na nga 'to, kausapin mo muna ang pinsan mong mukhang sinasapian na naman ng demonyo." Sabi ni Chesca at kinuha ang libro niya sa kamay ni Miko at nauna ng naglakad.
Tinaasan ko lang sila ng kilay at sumunod kay Chesca.
"Wait!" Sambit ni Max na ikinatigil namin at lumingon naman kami.
"Ano na naman?!" Taas kilay kong tanong.
"Parang kulang kayo? Nasaan na ba ang isa?" Tanong ni Max sa amin.
"Oo nga. Hindi namin nakikita 'yung isa." Sambit ng isang alipores niya.
"Si Nicole ba? Hindi nga siya pumasok. Bakit kaya?" Sambit naman ng isa pang alipores niya.
"Girls. I will inform you about Nicole Madrigal." Sabi ni Max sa mga alipores niya.
"Muntikan ba siyang nasagasaan?" Sabi ng isang alipores niya.
"Muntikan ba siyang namatay?" Sabi naman ng isa pa at sabay tawa nila.
"Pwede ba kung wala kayong ibang sasabihin! Aalis na kami!" Sabi ko sa inis.
"Wait Eunice, wag masyadong mainis." Sabi ni Max sa akin na tinaasan ko siya ng kilay. "I have an information about Nicole. Ang reckless niya muntikan siyang nasagasaan kanina. Akala ko nga magkakalamay na pero dinala pala siya sa hospital ngayon." Sabi ni Max sa akin naikinalaki ng Mata ko.
"Totoo ba Max? Kaya pala wala siya ngayon, hindi siya nakapasok ng school." Sambit ng alipores niya.
"Saang hospital siya dinala?" Tanong ko.
"Oops. Bawal sabihin." Sabi niya at tumalikod pero bago pa sila makalayo.
Hinila ko ang buhok nito dahil sa inis ko.
"NAGTATANONG AKO SAGUTIN MO AKO?!" Galit na Sambit ko habang hawak parin ang buhok niya.
"Max." Sambit ng dalawang alipores niya.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
