Chesca's POV♡♡♡
5AM ng umaga nagpaalam ako kay Nicole na uuwi muna ako sa condo, dahil papasok pa ako ngayon at si Eunice naman ay siya daw ang magbabantay ngayon, kaya hindi siya muna papasok ngayon.
"Okay lang naman ako dito, wag mo na lang papuntahin si Eunice dito." Sabi ni Nicole sa akin.
"Anong okay? E, mas mabuti nandito siya para matulungan at mabantayan ka niya." Sabi ko sa kanya.
"Papunta naman dito si Mom at Ate Anggie, kaya don't worry na. At hindi na naman ako kailangan bantayan, wag niyo na akong gawing bata." Sabi nito.
"Basta! Papapuntahin ko dito si Eunice para maghatid ng pagkain sayo." Sabi ko sabay labas.
Ayaw ko ng marining ang pagtanggi niya. Bahala siya.
Concern lang naman kami e, may mali ba?
Sumakay agad ako ng taxi papunta sa condominium namin.
*******
Eunice's POV
♡♡♡
Nagising na lang ako sa lakas ng katok ng kwarto ko.
*KNOCK*
*KNOCK*
*KNOCK*
"EUNICE!" Sabay na sigaw nito sa labas.
"ANO BA INANTOK PA AKO!" Sigaw ko habang nakapikit parin ang mga mata ko at syempre kayakap ang matigas kong unan.
Nagtataka nga ako kung bakit tumigas ang unan ko, sa pagkakaalam ko kasi malambot ito.
Maya-maya pa gumalaw ito.
"WAHHHHHHH!!" Sigaw ko ng tingnan ko ang kayakap ko.
Si Mr. Manhid na si Ethan Natividad na topless siya ngayon ang kayakap ko.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sigaw kung kay Mr. Manhid.
Sasagot na sana siya ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang gulat na mukha ni Chesca.
"ANONG GINAGAWA NIYO?!" Sigaw na tanong ni Chesca.
Wow! Shocking.
Mukhang mas dinaig pa ang shocking sigaw ko sa Ssgaw niya.
"Magbihis ka nga!" Sambit ko kay Mr. Manhid. Hindi niya ako sinagot kusa siyang nagkumot at humiga sa kama ko ulit.
"HOY!" Sigaw ko pero nakakainis hindi man lang ako pinansin.
"Bahala nga kayo." Sambit ni Chesca at lumabas sa kwarto.
Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa kama ko habang nakatalikod sa kanya.
"Alam kong gising ka kaya kausapin mo na ako." Sambit ko na hindi siya tiningnan kundi sa pader ako nakatingin.
Naramdaman kong gumalaw siya at umupo sa may kama.
"Ano bang nangyari kagabi?" Tanong ko.
"Nalasing ka---- I mean nagpakalasing ka." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko.

BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...