Eunice's POV♡♡♡
PUMASOK ako sa school na parang wala lang. I mean simple lang kagaya ng nakagawian. Alam niyo na naman ang nangyari sa amin kagabi sa condo unit diba. Ang pagbisita ng bwisitang Kyler na yun at pagdeliver ng supladong Steven na yun.
Nauna nang pumasok si Chesca as usual naman talaga 'yun. Pero take note hindi pa 'yun kumakain dahil late na siyang nagising.
At ako naman pumapara ng taxi para pupuntang Thomas University.
Maya-maya pa napataas na lang ang kilay ko dahil dumating si Steven sa tabi ko. At alam ko naman na papasok na rin siya. Pinara ko ang taxi na papalapit na sa direksyon ko.
Binuksan ko ang pinto ng pumasok si mokong.
"HOY! AKO DIYAN! ALIS!" Sambit ko ng nakita kong wala nang bakante.
"Sorry pero first come, first serve." Seryosong sagot nito. Kaya dahil sa sagot na 'yun umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.
"AKO ANG PUMARA, AKO ANG NAGBUKAS, AT AKO ANG DAPAT UUPO DIYAN!" Sigaw ko sa galit.
"Sorry. Nakakaabala ka na sa ibang pasahero e. Hanap ka na lang ng bagong taxi." Sambit nito at sinara ang pinto.
"BWIS*T!!" Sigaw ko nang inistart ng minameho ang taxi. Bwis*t na Steven na 'yun.
Wala akong nagawa kundi maghintay ng bagong taxi. Kaya imbes na isipin ang bwis*t na yun. Maging positive na lang na may dumating ng taxi. Sanay na naman akong maghintay.
Maya-maya pa may dumating na rin at sumakay agad ng taxi. 30 minutes rin ang itinagal bago ako nakarating sa school.
.....
Bumaba agad ako ng taxi pagkatapos magbayad at hindi sa pagiging assumera ha. Maganda talaga ako. Paano ba naman kasi, sa akin nakatingin ang mga stupident ganun na ba ako kaganda para ma star struck sila?
Pagdating ko sa classroom ang ingay ng mga kaklase ko. And it means wala pa ang first subject namin.
Tinaasan ko ng kilay ang mga kaklase ko ba sobrang sama ng tingin nila sa akin. I guess may pinaplano sila or takot lang sila?
"Okay class." Napaupo ako sa upuan ng narinig ko ang boses ni Maam Debbie at umayos naman ng upo ang mga kaklase ko.
"Gaya ng sinabi ko sa inyo na ipapaalam ko ang scores na nakuha niyo sa pre-test niyo. For the clarification lang our class is MWF? correct me if I'm wrong?" Sabi nito.
"Yes Ma'am." Sagot naman ng mga kaklase ko. Buti pa sila alam pero ako walang paki-alam sa ganyan ganyan nila.
"So for the scores last meeting. The highest is goes to Mr. Natividad got 19." Sabi ni Ma'am Debbie na nagpapalakpakan naman ang mga kaklase ko at parang hangang-hanga pa.
"Sorry. Pero hindi talaga ako nangongopya e." Pabulong na sabi ni Mr. Natividad sa akin na parang nang-aasar sa akin, kaya irap na lang ang sinagot ko.
"Sorry but kailangan mo pang iexcel yung sarili mo. Because base sa quiz natin last meeting Ms. Eunice Madrigal ikaw ang lowest score dito, you only got 7." Sabi ni Ma'am Debbie na ikinatawa ng mga stupid na kaklase ko.
"Enough!" Mahinang awat ni Mr. Natividad para tumahimik ang mga kaklase ko. Tinaasan ko siya ng kilay ng tumayo siya sa pagkakaupo. "So! Ms. Madrigal. Sino ba sa natin ang nangongpya? Ako ba na one mistake lang at nangongopya ako sa pinaka lowest score pa. So, mali lahat ng ng sagot ko kung kinopya ko lahat ng sagot mo. Baka ikaw? Nangongpya ka 'no? Nangongpya ka sa akin? Paano ka nakakasagot ng tama if hindi ka nangongopya?" Pang-iinsulto niya sa akin na sinang-ayonan naman ni mga kaklase ko. may pa kansyaw-kansyaw pa ang mga stupidents.
"SORRY! But wala sa vocabulary ko na mangongopya. I'm not a kind of person like that. Baka ikaw! CHEATER ka diba?!" Sabi ko at tumayo na rin.
"ENOUGH!" Nabaling ang atensyon namin sa boses ni Ma'am Debbie. Napaayos lahat ng upo namin at tumahik lahat. "I can't believe this! Dahil sa score lang nag-aaway kayo!" Dugtong ni Ma'am Debbie.
"Sorry Ma'am." Sabi ng mga kaklase ko except with me at kay Mr. Manhid.
"So I need you'll cooperation for our first activity. It's a role playing and you will present it next meeting." Sabi ni Ma'am Debbie.
"To be fair. Ako na lang ang magrugroup sa inyo." Sabi nito.
Oh my God. It's role playing ayaw ko ng ganito, hindi naman ako mag-aartista. hindi ko bet 'to.
Bakit pa ba kasi nauso ang role playing sa school. Hindi naman pag-aartista ang pinunta namin dito. Matuto in academic naman ang pinunta hindi ang role playing na 'to.
"Group 1, Natividad, Sy, Chua, Roque, Macaspac, Lim and Madrigal." Sabi ni Ma'am Debbie na ikinalaki ng mata ko.
What? Really? Kagrupo ko pa talaga ang mokong na 'yun. Oh my G. Hindi na ako mapakali sa sarili ko ng marinig ko ang pangalan kasama ang Natividad na 'yun. Hindi ko na nga alam kung sino sino ang ibang magkakagrupo.
"Five groups. So magplano na kayo sa mga kagrupo niyo. And use our time today for your presentation. Since I am not around next meeting we will move our presentation next week." Sabi ni Maam. Grabe si Maam ang bilis magbago ng isip. Sana magbago rin ang ihip ng hangin at hindi na matuloy ang ang role playing nato.
Oo na! Gaya ni ex, ang bilis magbago. ang bilis magbago ang isip, ang bilis magbago ang feelings. Lumipad nga eh! lumipad sa iba.
"So? Ethan what's the plan?" Sabi ng babae. Basta babae hindi ko siya kilala. Hindi naman kasi kami close.
"So. I will create a group chat at doon na lang tayo magplano." Sabi niya at tumayo.
Nakakaloka. Tumayo tapos lumabas. Napatingin ako sa harap wala na pala si Ma'am lumabas na walang paaalam man lang.
To be continued....
PAALALA
Kung sensitive ka bumasa ka na lang ng ibang story. Open minded kasi ang hanap ko. Hindi perpekto at sensitibo.
JC Cajoles
![](https://img.wattpad.com/cover/150331116-288-k198525.jpg)
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...