Chapter 24: Practice

1K 31 0
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

LUMABAS ako sa bathroom namin.

Yes. Tapos na akong maligo at paglabas ko nakita ko si Chesca sa kitchen na busangot ang mukha.

"Umalis na ba?" Tanong ko sa kanya. Alam niya naman siguro anong ibig kung sabihin. Si Kyler Alfonso na manyak.

"Nand'un sa living room. Feel at home ang manyak!" Sagot ni Chesca sa akin.

"Hayaan mo palalayasin ko 'yun." Sabi ko.

"By the way. Saan ka galing I mean saan ka ba natulog kagabi?" Tanong ni Chesca sa akin. Oo nga pala hindi ko pa nakwento sa kanya. "Nag-alala kami sayo kagabi e. Bakit hindi mo sinabi na naalala mo ang okasyon na 'yun para madamayan ka namin. Pero buti na lang tinulungan kami ni Steven." Sabi nito na ikinalaki ko.

Yun pala, si Steven pala ang kaibigan na tinutukoy ni Kuya Axel na crush ko.

"Yun na sana e, tinulungan ako ng kaibigan ni Steven na sobrang pogi na si Kuya Axel----"

"Kuya Axel na kapatid ni Ethan?" Singit na tanong ng nasa likod ko na lalaki. Sino pa ba? Kyler the pervert.

"What? Kapatid ni Ethan?" Tanong din ni Chesca.

Tiningnan ko silang dalawa bago ng salita. "Oo, kapatid ni Ethan. Pero don't worry at wala naman akong dapat ipag-alala mabait namin si Kuya Axel at magkaiba sila sa mokong na manhid na Ethan na 'yun." Sabi ko.

"Grabe ka naman makapanglait sa kaibigan ko." Sambit ni Kyler.

"Hindi ako nanglalait nagsasabi lang ako ng totoo. At pwede ba! Umalis ka na sa dito!" Sabi ko sa isa pang mokong na Kyler na 'to.

"No. Hindi ako aalis dito. Dito lang ako.... Gagawa pa kami ng baby I mean gagawa ng research paper." Sabi ni Kyler na ikinairap ni Chesca.

"Bahala nga kayo diyan, may practice pa kami." Sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.

Nagbihis lang naman ako at agad naman umariba o umalis sa condo unit.

Alam niyo naman siguro diba. 8:00 AM ang practice pero quarter to 9 na ngayon.

Ganyan ako ka most punctual ngayon, nahawaan tuloy ako ni Nicole.

Binuksan ko ang messenger o kaya Facebook account ko at grabe. Dapat pa ba akong mamangha sa daming notification dahil sa group chat namin?

"Eunice asan ka na?"

"Eunice ikaw na lang ang kulang."

"Eunice hali ka na?"

"Eunice BILISAN mo."

Diba ang galing ng mga kaklase ko. Parang totoo na concern pero deep inside mga fake' yun ang mga sinasabi.

Hindi ko nireplyan ang mga tanong nila. Ayaw ko kasi sa mga plastic na kagaya nila.

Sumakay na ako ng taxi at sinabi ang subdivision nila mokong na Ethan na 'yun.

Pagdating ko doon. Nagdoor bell agad ako. At pinagbuksan naman ako ni Manang Josie at akala niya may nakalimutan ako. Pero ang sinabi ko may practice kami dito at kagrupo ko si Ethan the mokong na Manhid na hari at master ng pambubully.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon