Nicole's POV♡♡♡
Nagising ako habang si Chesca nasa kitchen. Nagtataka nga ako kung Bakit siya ang nagluluto ngayon. E, mukhang okay na naman si Eunice eh.
"Bakit ikaw ang nagluluto?" Tanong ko sa kanya.
"Wala si Eunice e. Hindi umuwi kagabi." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko.
"Huh? Bakit naman ganun. Tawagan ko nga." Sambit ko na akmang kukuninang phone sa kwarto ng magsalita ito.
"Nasa kwarto niya ang phone niya, mukhang naiwan ni loka kagabi." Sagot ni Chesca.
Napabuntong hininga na lang ako. Hayss, saan na naman ba nagpunta ang lokang yun.
"Si Dexter ang kameet niya kagabi diba? Baka napano na yun si Eunice. Kailangan natin siyang mailigtas." Sambit ko kay Chesca na ikinairap nito.
"Nicole! Wag kang OA. Walang mangyayaring masama kay Eunice. Remember kaya niyang maghamon ng sapakan, at kaya niya ng ipagtanggol ang sarili niya." Sambit ni Chesca.
"Yun na nga. Paano kung may madami palang kaalyado si Dexter at ayun pinag----"
"Wag kang OA please! Wag kang masyadong OA!" Sambit ni Chesca na inis na ito.
Wow! Inis pa sa akin si Chessy. E, concern lang naman ako kay Eunice e. Syempre, babae si Eunice while si Dexter lalaki. Ano bang laban namin sa lakas sa mga lalaki.
*Knock*
*Knock*
Nagtungo ako sa pinto para buksan ito. Baka si Eunice na to.
Pagbukas ko. Ganun na lang ang gulat ko.
"Anong ginagawa niyo dito?!" Taas kilay na sambit ko sa dalawang bruha na nandito.
"Alam ko na nandito ang anak ko! Nilabas niyo!"
"Ilabas niyo ang fiance ko!"
So? Alam niyo na kung sino ang nandito.
"ETHAN! LUMABAS KA DIYAN! ETHAN!" Sigaw sa bruhang Mommy ni Ethan.
"Wala si Ethan dito!" Sambit ko.
"HINDI KAMI NANINIWALA! ILABAS BIYO ANG FIANCE KO! ETHAN! LABAS!" Sigaw naman ni Maya na akmang papasok pa.
"SUBUKAN MONG PUMASOK KUNG AYAW MONG SUBTUKIN KITA SA MUKHA!" Sambit ko.
"SUBUKAN MO LANG SAKTAN SI MAYA KUNG AYAW MONG KASUHAN KITA NG PHY-----"
"WAG MO AKONG TAKUTIN GORANG KA!" Sigaw ko sa galit sa Mommy ni Ethan.
"WALA AKONG PAKI-ALAM!" Sigaw din nito na akmang papasok.
"SUBUKAN MO! KUNG AYAW MO LANG PUMASOK! KUNG AYAW NIYONG KASUHAN KO KAYO NG TRESPASSING! TRESPASSING KAYO!" Sigaw sa kanila.
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Chesca na kalalabas lang galing kitchen.
"Oh! Si Ethan?! Ilabas niyo." Sambit ng Mommy ni Ethan kay Chesca.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...